Chapter 34

1.6K 73 13
                                    

Fiancée


~~~🌸~~~


Amber's Point of View


It was like a dream—a dream come true for me. Noon parati lang akong nagdadasal na sana mangyari ang ganito. Na makita ko siya, na mayakap o mapalapit akong muli sa kanya, na sana matitigan ko siya, na sana maamoy ko muli ang pabango niya, na sana makasama ko siyang muli kahit na sa maiksing panahon lang.


Halos paulit-ulit ako noon kung magdasal kaya nga minsan iniisip ko na siguro galit na sa akin kung sino man ang mga nakikinig kase paulit-ulit ako. Paulit-ulit ako at halos hindi magsawa sa paghiling sa mga bagay na iyon.


Pero anong magagawa ko? Sinusunod ko lang naman ang puso ko at 'yon ang gusto niya, ang gusto ko.


Pero kahit na paulit-ulit ako noon sa mga panalangin ko, God knows how much I wanted to be this close with him. Heaven knows how much I love this man. That even after all these years, I only had the same prayers over and over again. At ngayon, ngayon na nasa harapan ko na sya bakit pakiramdam ko nawala ang lahat ng lakas na inipon ko ng napakahabang panahon?


Binuo ko na ang sarili ko at inihanda para sa araw na ito pero bakit pakiramdam ko nababato ako sa kinatatayuan?


Pakiramdam ko iniwan ako ng sarili kong lakas dahil hindi ko alam kung paano pa ba gagalaw. Lahat ng lakas ng loob na inipon ko sa loob ng limang taon nawala na parang bula, hindi ko mahanap na para bang tinakbuhan na ako palayo.


At ngayon, bakit pakiramdam ko hindi lang tadhana ang naglalaro sa amin ngayon, dahil kung sino man ang nagpabago ng musika at nagpalit sa isang kantang para bang isinasalaysay ang kwento naming dalawa.


"In another life, I would make you stay."


Isa lamang itong bulong, napakahina pero sapat naman para makaabot sa pandinig ko kahit na konti.


Pero bakit parang nagsisisi ako dahil narinig ko iyon? Bakit sa halip na matuwa pakiramdam ko lalong pinunit ang puso ko?


"In another life, I would make you stay." Inulit pa niya, kaya lalon akong nasaktan. Hindi ko maipaliwang kung bakit. Hanggang sa hindi ko na nga napigilan ang sarili.


Isang butil ng luha ang tumakas mula sa aking mata nang napakabilis kaya't hindi ko ito nagawang pigilan. Ayoko man pero walang saysay ang pagpapanggap ko bilang malakas sa harapan niya. I feel like I am Superman, and he was like my kryptonite. My weakness.

Daemon's Academy ⅠⅠ. (Trapped In Hell)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon