Chapter 58

1K 54 10
                                    

Name


~~~🌸~~~


Cassiopeia's Point of View


"Yes, si Lawrence at ako ang nagtayo ng Black Organization..."


Nabato ako sa kinatatayuan ko. My system was not able to respond immediately. I know, there was a part in me that's expecting that already pero nagulat pa rin ako. Hindi ko alam na ganito pala kalaki ang epekto sa akin sa oras na marinig ko na mismo galing sa kaniya. All of my hopes collapsed like it was saying that everything's over.


No! This is not it. Or... or at least...


Tumingin ako kay Lance. Hindi ko na alam kung saan pa ako kumuha ng lakas ng loob. I feel betrayed. After all these years, ilang ulit na sinabi iyon sa akin ng mga kapatid ko. Pero kahit na hindi ko kasama si Lance, kahit na wala paman akong naririnig galing sa kaniya, I already sided with him. Because deep inside me, I know and I believe that he is not that kind of person. Alam ko na hindi niya iyon gagawin at wala namang sapat na dahilan. But hearing this, hindi ko alam kung ano ang gagawin.


Huli na bago ko napagtanto ang isang patak ng luha sa mga mata ko. I know how stupid this may sound, but before, I tried to consider it once. Lance, being part of that organization. The group that makes our life miserable. The organization that makes our life a living hell. Sabi ko sa sarili ko, kaya kong mapalagpas ang lahat. I know, as long as I can hear his reasons first. But thinking about what happened to Dos. Dos' was dead, and it was because of them... because of that damn group!


Tumalikod ako nang hindi nagsasalita. I don't think I can do this. Sa bilis ng mga naging paghakbang ko, mabilis akong nakalayo. I even heard Lance calling my name na agad ding naharang ng ilan sa Zeus. Hindi ko na sila nilingon. Hindi na mag-function ng maayos ang utak ko. Ang tanging alam ko na lang para makapag-isip ng tama ay ang umalis muna rito. I can't let my mind think properly if I am here.


"Babe... babe, please listen to me first!" 


Sa sobrang ukopado ng utak ko, hindi ko alam kung paano ako naabutan ni Lance at kung paano siya nakalagpas kina Pip. I just went out of the lift, pero kasabay noong bumukas ang katabi kung saan laman si Lance na agad na humarang sa harapan ko. Nahawakan niya ang palapulsuhan bago pa man ako malakayo.


"Please, hear me first. Please!" 


I want to be reasonable. Alam ko na kailangan ko ring pakinggan ang mga sasabihin niya. This is not about hearing that part alone. Everyone has their reasons. Everything has its reasons. Pero sa mga oras na ito, hindi ko lang talaga alam kung paano pipilitin ang sarili. Every time I ask myself to listen, a picture of Dos pops into my mind. The picture of my dead friend.


"Please, just let me be alone for now, Lance." Nanghihina ang boses ko.


I want to be mad at him. I want to scream at him, I want to throw my fist. Gusto ko ilabas ang lahat ng galit sa dibdib ko pero hindi ko alam kung saan nanggagaling ang pagpipigil sa akin.

Daemon's Academy ⅠⅠ. (Trapped In Hell)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon