Chapter 44

1K 56 7
                                    

Real


~~~🌸~~~


Barbie's Point of View


"Goddammit! This is the first time I felt this way.Natatakot ako!"


Pinagdikit niya ang mga noon namin at saka pumikit nang mariin. Hindi pa rin ako makalayo sa kaniya. Para akong nabato sa kinatatayuan ko.


"N-natatakot? Saan?" I asked, but I don't know why my voice is shaking.


"Barbie, I like you."


Nahigit ko ang hininga sa bigla niyang sinabi.


What did he say?


Pero dahil sa gulat, naitulak ko siya palayo.


"W-what the hell is your problem, Terrence? I a-am just here to say sorry and that's it!"


Hindi ko alam kung paano kami napunta sa ganitong usapan kahit na dapat ay mag-so-sorry lang ako. Pero dahil hindi ko na alam ang gagawin, tumalikod na ako. Pero bago pa ako makalayo, mabilis niya akong nahawakan sa kaliwa kong palapulsuhan.


"I'm sorry. Hindi ko sinasadya na gulatin ka. Hindi rin ganito ang plano ko na umamin pero ayoko lang maunahan."


Sa pagkagulo ko ay nalingon ko siya nang mabilis.


"Ano bang sinasabi mo?"


"Barbie, I like you." Ulit niya sa sinabi kanina kaya pakiramdam ko parang naging kamatis na sa pamumula ang mukha ko nang maramdaman ko na nagtaasan ang lahat ng dugo ko sa pisngi.


"I like you and I am serious."


"P-pinagti-tripan mo ba ako, Terrence?"


Nagulat ko ata siya sa sinabi ko kaya halos mag-isang linya ang makapal niyang kilay.


"What? No! That is not—


"If not, then what is this? Anong tawag mo dito?"

Daemon's Academy ⅠⅠ. (Trapped In Hell)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon