Chapter 5

5.4K 239 7
                                    

Rest

~~~🌸~~~


Amber's Point Of View


"P-please tell Lance that we're sorry. H-hindi naman namin alam na si Cassiopeia pala 'yon. Please, we are s-sorry!"


Habang naglalakad ako sa kahabaan ng hallway, nakarinig ako ng ingay galing sa hindi kalayuan kaya't mabilis akong napahinto. Hindi ako sigurado kung saan nanggagaling ang ingay pero kilala ko ang pangalan na nabanggit kaya agad akong natigil.


Hinanap ko kung saan nanggaling ang mga boses. Sinundan ko iyon at dinala ako nito sa dulo ng hallway. Doon ko nakita ang ilang estudyanteng nakaluhod at lahat ito'y mga kalalakihan. Hindi man ako sigurado sa nangyayari pero hindi ko nagustuhan at nagulat ako sa naabutan. Ano ito?


Nagmamakaawa iyong mga lalaking nakaluhod na halos manginig ang buong katawan. Tiningnan ko ang mga ito at pilit kong inalala kung saan ko ba sila nakita dahil pamilyar sila sa akin. I tried to remember them, ng bigla kong maalala kung saan ko sila nakita.


Sila ang mga nakasama namin kanina sa klase, hindi ba? Anong meron? Anong ginagawa nila?


Nakaluhod ang mga ito sa harapan ng ilan sa Hades. Wala roon si Lance pero nakita ko si Kai at ilan sa mga kaibigan nito na tila nasisiyahan sa kanilang ginagawa.


Are they bullying them? Alam ba ito ni Lance? O ni Cassie?


"Lance was really mad, Bry." Sabi ni Kai sa isa sa mga nakaluhod na puro pasa at sugat na sa mukha. I think they are bullying them.


"I know he is busy, so I am doing this for him. And don't worry, we're not evil. I think one week's punishment would be enough."


"Wait! What? One week? Ano namang mangyayari sa isang linggo, Kai? Kulang 'yon!" Rinig kong reklamo ni Dave, isa sa miyembro ng Hades.


"What will it be, Kai? Don't tell me it will be like those boring punishments that we all know?" Tumatawang sabi ni Stephen.


"Boring punishment?" Takang tanong ni Chen.


Nagsumiksik pa ako sa gilid para manood sa kanila at nang hindi nila ako mahalata. Tsk! I know that Cassiopeia will not gonna like this scene. Sigurado akong magagalit 'yon sa ginagawa nila ngayon. Ewan ko na lang kapag nalaman niya ito.


Isumbong ko kaya sila kay Cassie? I don't know kay Lance kung kanino iyon papanig pero for sure kung kay Cassie ko sasabihin magagalit iyon sa mga kaibigan na ito ni Lance.


"One week. 'Yon ay kung makakaligtas pa sila ngayong araw." Ngiting sabi ni Kai na sinundan ng malakas na tawanan ng lahat.


"10 seconds..."


Hindi ko alam kung anong ibig sabihin niya but after he said 10 seconds, nanlaki ang mga mata ng mga kasama niyang tumingin dito at saka bumaling sa mga nakaluhod.

Daemon's Academy ⅠⅠ. (Trapped In Hell)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon