Chapter 46

1.2K 58 7
                                    

Apelyido

~~~🌸~~~


Cassiopeia's Point of View


"Yes, Daddy. I am also with Uncle Uno, Uncle Kian, Uncle Ryle, and Kyle." Kanina pa sila nag-uusap at hanggang ngayon hindi pa rin natatapos.


Pareho na silang nakaupo ngayon sa kama at nakapagpalit na rin ng mga damit pagtulog. Si Rhyzen na nakasuot ng maliit na kulay abong pajamas. Habang si Lance naman ay isang puting t-shirt ang suot at isang itim na boxer shorts.


Nakaupo ito sa malambot na kama habang sa mga hita nya nakaupo ang anak namin. Masayang nagkukwentuhan kahit na malapit ng mag alas-diyes ng gabi. Mukhang masaya rin naman ito sa pakikipagkwentuhan sa kanyang Daddy kaya hindi pa rin nakakaramdam ng antok kahit na anong oras na.


Mukhang wala ring planong kausapin ako ni Lance. Hindi ko alam kung paano ako makikipag-usap nang maayos sa kanya dahil kanina pa nya ako hindi pinapansin. Kahit ang sabi niya gusto nyang marinig ang lahat ng sasabihin ko?


I tried to talk to him pero konting sulyap lang ang natatanggap ko mula pa kanina at saka muling itutuon ang buong pansin sa anak namin. Ignoring me completely.


Kaya ngayon nanahimik na lang ako sa isang tabi habang nakikinig sa kanilang dalawa dahil hindi ko rin naman magawang makasingit.


Malaki ang tinutuluyan nyang cabin kaya kesa mabato sa aking kinauupuan dito ko na lang ituon ang buong pansin. Inikot ko ang mga mata sa buong paligid at masasabi kong mukhang pinili niya talaga ang isa sa pinakamaganda at malaki sa lahat ng cabin meron ang resort na ito.


Kanina pagpasok namin sumalubong sa amin ang sala na may malawak na espasyo at halos kumpleto ang lahat ng gamit. May isang set ng sofa at meron ding malaking flatscreen TV. I think this is a VIP cabin.


At dito naman sa kanyang kwarto maliban sa malaking kama kung saan sila ngayon nakaupo ay ang maliit ding sofa kung nasaan naman ako. May malaking bilog na bintana na kitang-kita ang malaking dagat mula sa labas. Maaliwalas at hindi masyadong matingkad na kulay kahel na pintura ng sahig pati na ng mga dingding na gawa sa matitibay na kahoy. At ang iba sa mga gamit ay gawa pa mismo sa mga narra.


May malaki ring mukhang antigong cabinet at ang mga paintings na nakasabit sa bawat dingding ay dumagdag sa perpektong lugar.


Tumayo ako at naglakad-lakad para pagmasdan ng mas malapit ang bawat paintings na nasa dingding habang ang mga tainga ko ay alerto pa ring nakikinig sa kanilang dalawa.


"How about me? Did your mommy tell you anything about me?"

Daemon's Academy ⅠⅠ. (Trapped In Hell)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon