Chapter 67

846 46 4
                                    

Tita


~~~🌸~~~


Cassiopeia's Point of View


I was too stunned para sa buong byahe wala akong ibang nagawa kung hindi ang pagmasdan lang ang daliri kong may nakalagay na isang magandang bagay na kumikinang sa tuwing tatamaan ng liwanag galing sa ilaw ng mga sasakyan sa labas. This could be the best night of my life. Having this little thing on my ring finger and imagining the things and years I will spend with him and our son. I can imagine myself wearing a beautiful white wedding dress and walking slowly down the long aisle with him waiting for me on the other side. Exchanging bows and my tears having their own lives for the nth time. I have astonishing feelings, which I can only feel with him.


"I should talk to your brothers as soon as possible. They might kill me kung patatagalin ko pa bago hingin ang permission nila." 


Natatawa man, pabiro akong umirap.


"That' for sure. Just be thankful na masyadong busy ngayon si Kuya Aidan sa maraming bagay."


Pareho na lang kaming natawa. For the almost thirty-minute ride, he has been holding my hand hanggang sa makarating na kami sa mansyon.


"Nasa sala na sila Cassie. Kanina ka pa hinihintay." Salubong sa amin ni Manang Sonya. Siya ang mayordorma ng mansyon.


"Siguro mga treinta minutos na ang nakakalipas." Sabi pa nito.


"And how about Kuya po? Are they here already?"


"Hindi sila uuwi ngayon. Nasa pamilya ng mga Sebastian. Doon ata magpapalipas ng gabi kasama ng mga kaibigan." Nakita kong lumungkot ang kaniyang mga mata.


Katulad ko at nila kuya halos lumaki rin at nagdiwang ng ilang taon ang grupong Zeus na nasa paligid si Manang Sonya. Pare-pareho kaming halos kinamulatan ang pag-aalaga niya. Kapag nandito sila sa mansyon, si manang ang nangunguna sa pag-aasikaso sa kanila kaya alam ko rin ang lungkot na nararamdaman ni manang matapos ang balita sa nangyari kay Dos.


I even saw her crying when she heard the news. She's asking me what happened. She wants me to elaborate on the whole story, but I know her condition. She's old, and I know that her health cannot tolerate such heavy things. That is why, every now and then, whenever she has time to ask ginagawa niya. Pero walang nababago sa mga sagot, ayokong dahil doon lumala ang komplikasyon na meron man sa kalusugan niya.


"Ang daddy mo rin tumawag kanina, ang sabi niya tawagan mo raw siya kapag nakauwi at may oras ka. Gusto niyang makausap si Rhyzen."


Tumango-tango ako. Daddy is in Madrid now for some business matters. Probably with his business partners.


Nasa bukana pa lang kami ng mansyon nang makita kong gising ang lahat kahit na halos ala-una na ng madaling araw.

Daemon's Academy ⅠⅠ. (Trapped In Hell)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon