Déjà vu
~~~ 🌸~~~
Cassiopeia's Point of View
Ang sakit ng buo kong katawan. I moved a little, but the pain struck. My cheek hurts a lot, and I can still feel Rhian's palm; it's like it's hitting me. I can still taste the blood inside my mouth, and I can still feel the water inside my nose. This is worse than I expected.
Matapos nila akong pahirapan. Ibinalik ng ilan sa mga tauhan nila ang tali ko sa likod ng upuan but the drum with water is still in front of me. Mukhang hindi pa sila tapos. Mukhang marami pa silang binabalak. Pero katulad nga ng mga binitawan kong salita kanina. Hindi ako magpapatalo o magpapasindak kahit na kanino!
Lahat nang nakalatag kong plano ipapalasap ko sa kanila. Lahat 'yon! Katulad din nang isinumpa ko sa sarili, wala akong palalampasin isa man.
Habang iniinda ang sakit sa buong katawan lalo na sa parte ng pisngi ko na pakiramdam ko anumang oras mula ngayon ay magsisimula nang mamaga, biglang bumukas ang pinto. Mag-isa nila akong iniwan sa silid na ito kasama ang isang drum ng tubig. Umalis ang mga nakabantay sa akin.
Kahit na naramdaman ko ang presensya nang pumasok, hindi ko inangat ang ulo. Nanatili akong nakayuko habang bahagyang napapangiwi dala ng sakit at kirot mula sa iba't-ibang parte ng katawan.
"Kumain ka!" Utos ng isang boses.
Narinig ko ang paglapag ng plato at mga kubyertos pati na ang baso sa maliit na mesa na gawa sa kahoy malapit sa aking pwesto pero hindi ko pa rin ito tiningnan, nanatili akong nakayuko.
"Ang sabi ko kumain ka!" Dinagdagan niya ang awtoridad sa kaniyang boses para siguro sindakin ako kaya't palihim akong natawa.
Why do these people love making me laugh?
Kailan ba sila magsasawa at mapapagod na sindakin o takutin ako? Kailan ba sila magigising sa mga kahibangan nila?
Narinig ko ang mga yabag niya palapit at paghinto nito sa tapat ko. Hindi ako tumingala o kumilos. Nanatiling nakapako sa sahig ang aking mga mata. I saw him squatted in front of me.
"Hindi ka ba nagugutom?" At pilit sinilip ang mga mata kong nakapako sa sahig.
I smirked at the sight of it... Lawrence!
"Baka magalit sa'kin ang kapatid ko, baka sabihin niya hindi ka namin pinapakain." He said added.
"Fuck off! Just leave me alone." Mahina at napapagod kong tono.
I don't want to eat. I just want to rest. Pakiramdam ko bugbog nang sobra ang katawan ko. Kahit konting lakas nahihirapan akong bawiin.
BINABASA MO ANG
Daemon's Academy ⅠⅠ. (Trapped In Hell)
Romantizm- WAG MONG BABASAHIN!!! Read Daemon's Academy |. (School Of Devils) FIRST! :D ~~~~~~♥♥♥~~~~~~ Date Started: February 26, 2018 Date Finished: July 30, 2020