Chapter 18

3.9K 145 8
                                    

Child


~~~🌸~~~


Amber's Point Of View


"Are you sure about this? Cassiopeia please, pag isipan mo muna."


Hindi ko na mabilang kung ika-ilang beses na ba ito but I am hoping na magbabago pa ang isasagot niya o kaya naman ay magkakaroon ng kahit konting alinlangan pero nanlumo lang ako nang muli ay tingnan niya ako nang walang pagbabago sa kaniyang mga mata. Na walang kahit anong pagbabago kumpara kanina. Mukhang desidido na nga talaga siya.


"Hindi mo ito kailangang gawin. Kailangan ka ni Lance." Kahit si Faye todo na rin ang pakiusap pero mukhang desidido na siya sa mga gagawin.


"Once na magising si Lance. Do you think na wala siyang gagawin? Do you think na matatanggap niya kapag sinabi naming umalis ka at huwag ka na niyang hanapin? Do you think palalagpasin niya lang ito? Mag-isip ka nga, Cassiopeia! Lance almost died! He's now lying there unconscious. Hindi man natin alam ang buong pangyayari but we all know that, this was— this was somehow because of what's happening here!"


"Eya, calm down! Maaayos natin 'to, kumalma kayo para mas maging maayos ang pag uusap natin." Pinakalma ko siya dahil sa sobrang tensyong bumabalot sa paligid. I hold her hand at saka ako lumingon sa walang kibo pa ring si Cassiopeia.


"Cassiopeia, please! Kahit para kay Lance lang." Muli kong pakiusap hoping na magbabago pa ang isip niya. But she just stood up bago tumingin sa amin at sumagot.


"I am doing this for him at para sa inyong lahat. Isa pa, this is just temporary. I just want to make sure our baby's safety. And then after that, babalik ako. Babalik kami." Malamig niyang sabi nang hindi man lang kami sinusulyapan.


"Bullshit!" Mura ni Eya bago napaatras.


I know she's frustrated about this, actually lahat kami. Kaya hangga't maaari gusto ko kalmado ang lahat. Hindi ito maaayos sa magulo nilang usapan at kung init ng ulo ang paiiralin.


"Nangyari ito nang dahil sayo. Sana kahit 'yon na lang ang isipin mo."


Eya was known as one of the coldest members of Artemis. Kaya, seeing how she gave her opinion and reactions, nagulat kaming lahat.


"Eya, that is too much! This is not Cassie's fault!" Hinawakan ko siya sa braso para ilayo nang bahagya kay Cassiopeia.


"I mean, hindi sa sinisisi kita, Cassie. Hindi sa sinisisi ko siya. Hindi ganun ang ibig kong sabihin. Gusto ko lang na ipauna sayo na sana i-appreciate mo ang ginawa ni Lance! Huwag mong suklian ng ganito!"


"At hindi lang rin ito ang pwede pang mangyari kung wala pa akong gagawin, Eya!"


Daemon's Academy ⅠⅠ. (Trapped In Hell)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon