Friends
~~~🌸~~~
Amber's Point Of View
"What are Hades and Artemis doing here?" Nakita ko ang gulat kay Vince nang tumingin ito sa amin. Isa-isa niyang tiningnan ang mga kasama ko pati na ang grupo nina Red na bagong dating.
I was also shocked to see Red and his friends. Pero dahil sa gulat na nakilala kami ni Vince, hindi ko alam kung saan mas magfo-focus. Madilim ang mga titig ni Vince. Nang tumingin ako sa mga kasama nito ay ganun din. Hindi ko matandaan kung nakaharap na ba sila ng grupo namin dati pero sa paraan nang pagtitig ng mga ito ay tila ba kilalang-kilala nila kami.
I was speechless. I was looking for the right words and reasons pero hindi ako makapag-isip nang maayos.
Mula sa madilim na titig sa akin ni Vince, lumipat ito kay Red. Mas lalong dumilim at tumalim ang mga tingin nito pero hindi sumagot si Red o ang kahit na sino mula sa grupo nito.
"Red Valderama." Tawag ni Vince kay Red. Malalim ang boses nito at rinig ko ang pagbabanta.
"I don't think that this is just some random coincidence. What are you doing here?" Vince's jaw clenched as he looked at me once again.
Nanatili si Red sa tabi ko. His hand is still on my waist habang nakikipag sukatan pa rin ng mga tingin kay Vince at sa grupo nito.
Hindi naman ako makasagot. Ayoko rin magsalita dahil ayokong magkamali nang sasabihin. Alam ko na isang maling salita, pwedeng mauwi sa hindi maganda kaya nanahimik na lang ako. Red and I are still not in good terms pero alam ko na hindi ito ang tamang oras para sa bagay na iyon.
But when I heard Red's sigh, I secretly crossed my fingers.
"Do I need to—
"Let's go!" Hinawakan ko kaagad ang braso nito at saka ito hinila palayo bago pa siya makapagsalita. I know him. I know them. Kung hindi pa kami aalis at hahayaan ko pa siya, sigurado na hindi magiging payapa ang lahat.
"I heard Cassiopeia's missing. Is it true that's why you guys are here? Pakalat-kalat?"
Natigilan ako nang biglang magsalita iyong E.A. Agad akong napalingon dito nang halos magkadikit ang mga kilay.
"What did you say?" Tanong ko.
"Hindi ba at iyon ang usap-usapan?"
Hindi ko makuha ang sinasabi niya kaya halos magka salubong ang mga kilay ko.
"Oh my! Huwag niyong sabihin na hindi niyo pa alam? What kind of friends are you? Hindi man lamang kayo aware kung asan ang kaibigan niyo?"
BINABASA MO ANG
Daemon's Academy ⅠⅠ. (Trapped In Hell)
Romance- WAG MONG BABASAHIN!!! Read Daemon's Academy |. (School Of Devils) FIRST! :D ~~~~~~♥♥♥~~~~~~ Date Started: February 26, 2018 Date Finished: July 30, 2020