Brother
~~~🌸~~~
Terrence's Point Of View
"Asan ka na ba? Anong oras na hindi ka talaga marunong sumunod sa oras ng usapan."
Natawa ako nang mahina. Hindi ko na alam kung anong idadahilan kay Dave. My schedule got messed up kaya naman hindi ko alam kung makakabot pa ba ako sa usapan namin.
"Pasensya na, Dave. Pinapatawag ako ni Harold. Importante raw kaya—
"What the fuck? Huwag mong sabihin na hindi ka na matutuloy?"
"Susunod ako sa oras na matapos kami agad. Pero kung hindi, ikaw na muna ang bahala."
"What the fuck, dude? Ano ba! Usapan na natin ito—
I cut the call. Sigurado na hindi lang ako nito titigilan kaya pinatay ko na kaagad ang tawag.
"Hindi ba iyon importante? Bakit hindi na lang iyon ang unahin mo?"
Tumingin ako kay Kenneth.
"Nah! I need to do something. Kaya na iyon ni Dave." Sagot ko. Hindi sinasadya na magkita kami habang patungo ako sa meeting place namin nila Harold kaya nagkasabay kami.
"Pero ikaw? Saan ka pupunta? Hindi ka na namin madalas na makasama. Palagi ka na lang wala. Ano bang pinagkakaabalahan mo?"
Huminto sa paglalakad si Kenneth kaya pati ako ay napatigil.
"Wala naman." Anito at saka binuksan ang pinto sa tapat kung saan ito tumigil.
"Dito na ako. May naiwan akong gamit kanina. Kukunin ko lang."
"Sige. Pero pupunta ka ba kila Dave? Sumama ka naman sa amin kahit minsan. Palagi ka na lang wala."
"Yeah, I'm good. Kapag wala akong ginagawa siguro sasama ako."
"Don't bullshit me, dude. Umiiwas ka ba sa amin dahil kay Lance at Cassiopeia?" Doon ko siya tila nahuli.
Natigilan si Kenneth nang mapatingin sa akin.
"Bakit naman ako iiwas? Para saan?"
"Talaga ba? Hindi ganun ang nararamdaman ng grupo, Kenneth. Iniiwasan mo kaming lahat. Hindi mo naman kailangang gawin—
"Ano ba yan ang ingay naman!"
Natigilan ako. Sabay kaming napalingon ni Kenneth nang mula sa loob ng silid, isang babae ang bigla na lang lumabas. Mukhang kagigising lang din nito habang medyo magulo pa ang buhok at kinukusot ang mga mata.
BINABASA MO ANG
Daemon's Academy ⅠⅠ. (Trapped In Hell)
Romance- WAG MONG BABASAHIN!!! Read Daemon's Academy |. (School Of Devils) FIRST! :D ~~~~~~♥♥♥~~~~~~ Date Started: February 26, 2018 Date Finished: July 30, 2020