Chapter 53

1K 54 20
                                    

A good friend


~~~🌸~~~


Cassiopeia's Point of View


"K-kuya?" My voice was shaking, just like my knees are right now. I don't exactly know what I'm going to do. Hindi ko sila rito inaasahan. I planned everything but this is not part of it, they are not part of it dahil alam ko na magiging problema lang ito.


Pinagmasdan ko sila isa-isa at nakitang kumpleto silang lahat. I even saw Dos staring at me from the back of Kuya Kian.


What the fuck!


Kasama ang buong Zeus sa mga pinagtaguan ko noon, five years ago. Those are my brother's plans. They hide me; they hide the fact that I am alive.


Itinago nila ako kahit sa mismong mga kaibigan nila at dinala sa Korea para ilayo ng Pilipinas. But after I gave birth to Rhyzen, dumalaw isang araw si Dos kasama si Pip at Ford and they saw me, they saw me with Rhyzen. And because of that wala na akong nagawa.


I explained everything to them. Lahat ng dapat nilang malaman. Hanggang buong Zeus na nga ang pumunta ng Korea at nakatuwang ko kay Rhyzen. They stayed by my side na para bang mga kapatid ko. I spent years with them pero sa ganitong pagkakataon, alam ko na hindi sila papabor sa lahat ng plano ko kaya kahit na hindi ko gusto, hindi ko rin pinaalam sa kanilang lahat ang mga plano ko.


"What the hell is this, Cassiopeia?" Singhal ni Kuya Aidan. Galit na galit ito kaya hindi ako kaagad nakapagsalita.


Sa loob ng ilang taon naging maayos ang relasyon namin ng mga kapatid ko. Lalo na si Kuya Aidan. Maybe because of the fact that he doesn't really like Lance for me kaya pabor siya sa paghihiwalay namin ni Lance ng ilang taon.


Pero lahat ng iyon ang may hangganan. Hindi ko sinabi sa kanila na habangbuhay akong magtatago kay Lance. Hindi ko sinabi sa kanila na hindi na ako babalik kay Lance. I love them, but I also love Lance. And I am old enough to make decisions. I don't need them telling me the things I need to do.


"Pumunta ka rito para sa lalaking 'yon?" Napaigtad ako sa gulat.


Halos dumagongdong sa apat na sulok ng silid ang boses ni Kuya. Napapikit ako nang mariin dala ng takot. I know Kuya and there are times that his words scare me so much. Katulad ngayon. Hindi ko siya matingnan ng diretso. I bit my lower lip. I swallowed hard.


"K-kuya Aidan..." Basag na basag ang boses ko. Halos hindi na ako makapagsalita ng maayos.

Daemon's Academy ⅠⅠ. (Trapped In Hell)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon