Chapter 16

4K 188 9
                                    

Artemis Mark


~~~🌸~~~


Cassiopeia's Point Of View


"Ang sabi niyo sa akin uuwi na tayo, hindi ba? Eh anong ginagawa natin dito?" Tumingin ako sa labas ng bintana.


Simula nang mabago ang nilikuan namin kanina nagduda na ako. Kanina ko pa rin pinagmamasdan ang mga punong dinadaanan namin mula sa labas ng bintana and it's not the same direction going to the mansion or even to the Academy.


Marami ng puno sa tabi ng kalsada, wala ng mga bahay at nagdidilim na rin ang buong paligid dahil sa nagtataasang puno sa buong lugar.


It's been quite sometime since I last visited this place but it still the same. Walang nagbago sa buong lugar. Kung ano ito noon, ganito pa rin ito hanggang ngayon. Napalingon ako sa mga kapatid ko nang wala man lang sumagot sa kanila kahit isa. They are all busy with what they are doing at nagsisimula na akong mainis.


They are ignoring me!


At dahil isa ako sa mga taong may pinaka konting suplay ng pasensya sa katawan, mabilis kumulo ang dugo ko at mag init ang ulo.


"Itabi niyo itong sasakyan, bababa ako." Nauubos na ang pasensya sa katawan ko but I still managed to stay calm. Diretso lang ang boses ko kahit na ang totoo ay sasabog na ako.


Pero nang walang pumansin sa akin for the second time, hindi ko na talaga alam kung paano pa magtitimpi. Nasa pagitan lang ako ni Kuya Ryle at Kuya Kyle dito sa backseat habang si Kuya Aidan naman ang nagmamaneho at sa tabi niya sa front seat nandon si Kuya Kian. Hindi ganun kalayo ang pagitan namin sa isa't isa kaya napaka imposible kung hindi nila ako naririnig.


"Ang sabi ko itabi at itigil niyo itong kotse dahil bababa ako." Hindi ko sila maintindihan. Kanina bigla bigla silang susulpot sa eskwelahan at dadalhin ako sa kung saan tapos ngayon heto?


Kailangan pa naming mag-usap ni Lance, sigurado akong nag-aalala na iyon dahil hindi ako nakarating sa usapan namin kanina pagkatapos ng klase. Hindi rin ako nakapag-paalam sa mga kaibigan ko. Nagkaroon ng konting gulo kanina sa pagitan ni Lance at ng mga kapatid niya pero pagkatapos noon ay wala na akong alam.


Tumingin ako sa kanila isa-isa pero parang wala silang naririnig. Tiningnan ko ang nasa unahang si Kuya Aidan at alam kong nakita niya ako sa salamin nang mapatingin siya rito.


"Ano ba! Sabi ko bababa na ako! Kung hindi niyo ako ibabalik sa Academy, babalik ako roon ng mag-isa!" Pinagsisipa ko ang likuran ng upuan niya pero hindi ako nito pinansin.


Talagang pinangatawanan niya ang hindi pagpansin sa akin.


"Andito na tayo." Hanggang sa maputol ako sa paghehesterikal dahil sa wakas ay nagsalita na siya.


Daemon's Academy ⅠⅠ. (Trapped In Hell)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon