Home
~~~🌸~~~
Barbie's Point of View
Everything was like a mystery. Something happened, but no one knows and no one can really explain. It was as if a mystery just passed by, but no one really noticed and just left a puzzle. Pero siguro nga, sa laki ng mundong ito hindi lahat ng tanong madaling masagot. Hindi lahat ng gusto mong makita, mahahanap. Marami pang bagay ang lingid sa kaalaman ng lahat and this is really frustrating.
Tahimik kami kahapon sa inuukupa naming kwarto habang pinag-uusapan ang naging encounter namin with Athena. I know there are a lot of questions bugging us. Pero sa ngayon wala kaming ibang magawa kung hindi ang tanungin ang isa't-isa kahit pa wala naman talaga kaming maayos na maisasagot. Even the simplest thing was like a maze, a puzzle.
Tahimik kami nang bigla na lang may nangyaring mga pagsabog. May mga putok ng baril at maingay na sigawan ng mga tao. From that moment on, we heard the loud explosions. Just by instinct, I covered my ears and bowed down as if it'd hit us.
Nagmula sa labas ang ingay. Nakita ko si Kylie na mabilis tumungo sa bintanang salamin na nakaharap sa dalampasigan and she confirmed that the explosions really came from the outside. Sumilip din ako at doon ko nakita ang mga nagtatakbuhan.
"W-what is happening?" Erin's shaking voice filled the whole room na sinundan pa ng mga pagsabog mula ulit sa labas.
I saw people holding a gun, may mga nakaitim din na may mahahabang katanang hawak na kumikinang pa ang mga talim nang tumama sa sikat ng araw.
"I don't know!" Kylie answered.
"Tingnan natin."
Wala kaming makukuhang sagot kung ang isa't-isa ang tatanungin. We need to see what's going on. We tried to figure it out. We tried to go out to see what was happening nang bumungad sa harapan ng pinto ang ilan sa miyembro ng Hades. Naguguluhan ko silang tiningnan. They ordered us not to go outside sa pangunguna ni Terrence at Red.
"Stay here, it's dangerous outside." Hinawakan niya ang aking siko at hinila ako papasok sa loob. With my questioning eyes, I looked at him.
"What's happening?"
"Just stay here."
But I shook my head and pushed Terrence away. Anong sinasabi niya? Anong nangyayari? Ano ang mga ingay na iyon?
"No! Let us out, Terrence. What is happening?" Lahat kami nagpumilit pero hindi kami nakatakas.
Nagpumilit kami hanggang sa mga nakaitim na ang pumigil sa amin. Hindi namin sila kilala but they are wearing the familiar outfit we used to know years ago. Halos manliit ang mga mata ko habang sinusuri ang mga ito. Balot na balot ang buong katawan ng mga ito at tanging ang mga mata lang ang kita.
BINABASA MO ANG
Daemon's Academy ⅠⅠ. (Trapped In Hell)
Romance- WAG MONG BABASAHIN!!! Read Daemon's Academy |. (School Of Devils) FIRST! :D ~~~~~~♥♥♥~~~~~~ Date Started: February 26, 2018 Date Finished: July 30, 2020