Chapter 13

4.6K 189 14
                                    

Father


~~~🌸~~~


Cassiopeia's Point Of View


"Erin, Abbygail, sure ba kayo? Ayos na kayo? Kaya niyo na ba talagang pumasok?" Tiningnan ko silang dalawa ng masinsinan. Nakikita ko na mukhang ayos na rin naman ang lagay nilang dalawa pero hindi pa rin ako kumbinsido.


Alam ko na hindi naging maganda ang nangyari at naging lagay nila noong nakaraan kaya dapat lang na magpahinga pa sila. If they need another week or so, siguradong pagbibigyan naman sila ng mga professor namin. Narito rin kami and we can help them to catch up.


"I am fine now, Cassie. I can go back to school by tomorrow."


Hindi ko alam kung paano sasang-ayon lalo na at wala sa tono ni Erin na magpapapigil pa ito kaya kay Abbygail naman ako tumingin.


"Okay na rin ako, Cassie. Pwede na akong pumasok bukas. Although medyo makirot pa ang sugat ko pero kaya ko na." 


Nanliit ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang dalawa.


"Kung kaya niyo na talaga, fine. Pero kailangan niyo paring mag-ingat, okay? Dalawin din natin si Veronica ng sama-sama. Medyo umu-okay na rin ang lagay niya. Siguro one more week at makakasama na natin siya." Sabay silang tumango at ngumiti.


Salamat naman at kahit papano konting araw na lang mako-kumpleto na ulit kami. Matapos ang araw nang pagdalaw ko kina Erin at Abbygail, sina Amber naman ang nakasama ko hanggang sa dumating ang malalim na gabi.


"Ano wala pa ba kayong balak pumasok? Anong oras na. Kahit gaano pa kayo katapang ang manatili sa ganitong lugar ng ganitong oras ay mapanganib." Saad ni Amber habang nililibot ang tingin samin isa-isa.


It's already one in the morning at napakatahimik na talaga ng buong paligid but we all gathered here sa harapan ng Girl's Dormitory dahil na rin siguro sa curiosity.


Wala silang alam sa pinag-usapan namin ni Lance about Devil's Eye and Poseidon but I insist na manatali muna rito kahit ilang oras dahil sa gusto kong makita ang binabantayan ng Student Council tuwing curfew hour and this time we have Lance's permission kaya hindi kami hinuhuli ng mga nakakakita samin.


"Eya! What the hell is that? Saan mo nakuha 'yan?" Sinubukang agawin ni Amber ang sigarilyong sinindihan ni Eya pero mabilis niya itong naiiwas.

Daemon's Academy ⅠⅠ. (Trapped In Hell)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon