Chapter 11

5.1K 190 16
                                    

Mine

~~~🌸~~~


Pip's Point Of View


"Sandali! Is that Pip? Girls si Pip ba 'yon?"


Inayos ko sa pagkakalagay ang aking hoodie bago nagpatuloy sa paglalakad.


"Pakiramdam ko lalong gumanda na agad araw ko."


Ilang bulungan pa ang narinig ko. Napapailing at hindi na lang ako lumingon. May ilang sumubok na humarang sa harapan ko na kaagad kong iniwasan.


Bago lumipat ang buong Zeus dito sa Academy, kilala na rin kami sa dating University kung saan kami nag-aaral. Bukod sa pag-aaral, abala rin ako sa banda. Hindi ako sigurado kung gaano kasikat ang grupo lalo na at hindi naman doon nakatuon ang buo kong atensyon. I just want to do what I want. I just want to follow my passion. Pero nang pumasok kami rito, doon ko na-realize na kilala pala talaga kami.


Marami sa mga estudyante rito na kilala ako hindi lang si Pip ng Zeus, kundi maging si Pip ng bandang Faded.


"Pip!"


They started to call my name kaya lalo akong napansin ng ilan. Mas binilisan ko ang paglalakad. Mukhang napansin na ako ng iba kahit iyong mga nasa malayo. Pati si Ford iniwan na ako kanina. Hindi ko alam kung paano pa tutungo sa kabilang building ng tahimik. Abala ang grupo, maraming nangyari simula pa noong nakaraan kaya pakiramdam ko kahit ako pagod na pagod kahit wala naman akong ibang ginawa kung hindi ang makinig lang sa mga reklamo at problema ng lahat. I also want to take a break. Kahit na sandali lang sana.


Patungo na sana ako ng Black building nang makita ko mula sa hindi kalayuan ang isang pamilya na bulto. Tiningnan ko ito habang nanliit ang mga mata.


It's Amber.


Kaagad akong napangiti. Nice timing. Siya nga. Hindi ko matandaan kung kailan ako nagkaroon ng pagkakataon na makausap siya ng maayos mula ng lumipat kami rito. Pero simula noon, hindi na nawala ang asong si Red na walang ginawa kung hindi ang bantayan siya palagi.


Mas lalong bumilis ang mga lakad ko palapit sa kaniyang pwesto. Tumingin din ako sa paligid at mukhang wala nga ang asungot.


Wala naman akong balak na iba. Amber is also a friend. Alam ko rin kung ano ang relasyon nilang dalawa at wala akong balak na pumagitna roon. I just want to at least talk to Amber like what we used to.


Amber is walking towards the white building kaya mas binilisan ko ang paglalakad. Dire-diretso ang lakad niya kaya sigurado ako na hindi niya ako napapansin mula sa kaniyang likuran. At ng malapit na ako, mula sa kaniyang likuran ay doon ko siya ginulat. Tumatawa pa ako at akala ko nagulat siya. Hinintay ko ang mga sigaw at suntok niya katulad ng madalas niyang gawin noon kapag binibiro ko siya pero walang dumating kaya't nanibago ako.

Daemon's Academy ⅠⅠ. (Trapped In Hell)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon