Puzzle
~~~🌸~~~
Cassiopeia's Point of View
"Mommy I'm done!" Nawala kina Amber at sa kausap nito na naka-upo hindi kalayuan sa aming pwesto ang aking atensyon at napunta sa anak ko nang tawagin ako nito gamit ang maliit at malambing nyang boses.
Nagkalat ang mga tsokolate sa mukha nito kaya hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Mula sa matatabang pisngi nito, nandon ang ilang tsokolate mula sa kanyang kinain.
Kahit kailan talaga makalat siya. Kaya kumuha ako ng ilang piraso ng tissue sa mesa na nasa harapan bago ko masuyong pinunasan ang labi at pisngi nya.
"Can we go home now?" Malambing kong tanong dito.
Masuyo ang aking boses dahil 'yon ang gusto nya. Parati niyang sinasabi sa akin na huwag tataas ang aking boses sa harapan ng kahit na sino kase bad daw iyon. Dapat mahina lang daw parati at malambing. Kaya kapag nasa tabi ko sya o kaya naman kapag siya ang kausap ko, kahit hindi niya sabihin ay talagang malambing ako. Wala na atang makakatanggi dahil sa dala nyang charm at cuteness na kahit ako mismong nanay nya ay hindi makatanggi.
"Yes, Mommy." Sagot nito habang tumatango-tango.
Mukhang nabusog na naman ang aking baby kaya madali kong napapayag umuwi. Dahil kung hindi pa siya satisfied sa kanyang kinain siguradong mag-aaway na naman kaming dalawa.
"Okay then, we will go home. I still need to talk to your, Uncle." Kumuha pa ako muli ng ilang piraso ng tissue para tapusin ang pagpunas sa mga natirang dumi sa kanyang mukha.
"Anong madalas sabihin sayo ni Mommy? Diba sabi ko sayo huwag masyadong makalat sa pagkain kapag wala tayo sa bahay? Hindi ba?" Kahit na pinagsasabihan ko na siya ay malambing pa rin ang aking boses.
Kaya katulad ng kanyang nakagawian, humahaba lang ang kanyang mga labi kapag nagsisimula ko itong pagalitan at saka humihingi ng halik sa kanyang labi.
"No kisses. Mommy is mad." Saad ko dito matapos kong takpan ang labi niya gamit ang tissue na hawak ko.
"Sorry Mommy." Hindi pa malinaw ang ibang words nya pero magaling na itong bumuo ng mga salita. Masyado rin itong madaldal at matandain sa ibang bagay.
Siguro dala na rin ng maraming tao na nakapaligid sa kanya. Hindi sya nawawalan ng kausap kaya masyadong nahahasa ang utak nito kaya naman kahit maglilimang taon pa pa lang ay talagang matalino na. Matandain at madaldal.
BINABASA MO ANG
Daemon's Academy ⅠⅠ. (Trapped In Hell)
Romance- WAG MONG BABASAHIN!!! Read Daemon's Academy |. (School Of Devils) FIRST! :D ~~~~~~♥♥♥~~~~~~ Date Started: February 26, 2018 Date Finished: July 30, 2020