Choose
~~~🌸~~~
Faye's Point Of View
"So, alam mo rin?" Tanong ko kay Amber.
Alam ko. Kakasabi ko pa lang kanina na hindi tamang idamay si Amber ngayon sa mga bagay na katulad nito dahil sa kalagayan niya pero nagulat ako na alam na niya ang tungkol dito. Paano?
"Yeah, Kylie also showed me the invitation." Sagot nito.
"Well, halos lahat mukhang nagulat dahil sa biglaang announcement. At marami rin ang taga rito sa Academy ang nakakuha ng invitation and everyone's now curious ganun din kami. I got curious the moment I received it, kaya gusto ko kayong tanungin. Are we going?" Tanong ni Crizel at saka tumingin sa amin.
Muli akong napatingin sa invitation kong hawak.
Lukas Dela Cruz? I never thought na ikakasal na siya? And who is his future bride? Bakit wala rito sa invitation ang pangalan? What kind of invitation is this? Hindi ba at dapat nakalagay rito ang lahat ng information kasama ang information ng future bride?
"Ang totoo niyan hindi lang curiosity dahil hindi talaga maganda ang nararamdaman ko sa imbitasyon na 'yan."
Hindi ako makasagot. Nanatiling nakapako ang mga mata ko sa hawak kong imbitasyon.
Lukas' Engagement?
Bakit parang may kakaiba itong sinasabi sa akin? Bakit parang iba ang pakiramdam ko sa imbitasyong ito?
Mula pa noon, madalas na akong mag-isip ng mga bagay na imposibleng mangyari, pero hindi ako umabot sa puntong iisiping ikakasal ang anak na panganay ng mga Dela Cruz. Ang tagapagmana ng Dela Cruz empire
"I think we should go." Rinig kong sabi ni Amber. Nilingon ko ito.
"We need to see that event. We could use that to look for Cassie."
Pinagmasdan ko muli ang invitation. Hindi ko alam pero iba ang kutob ko rito. The Academy's case was not only inside D.A.; I know that Lukas Dela Cruz was also aware of it, so it was kind of odd that, out of a sudden, bigla na lang lilitaw ang ganito. I don't buy it! Sinuri ko nang husto ang papel. I don't know, maybe I could find something on it. We are desperate enough na pagdudahan kahit ang pinakamaliit na bagay.
"Cassiopeia is more important than that engagement party, Faye." Napatingin ako kay Jhorie.
"Yeah I know this is really out of the blue pero wala na tayong oras para dyan. We need to find Cassie." Dagdag nito at saka tumingin sa akin nang makahulugan. Hindi man niya sabihin ng malakas, pero alam ko ang ibig niya pang sabihin.
BINABASA MO ANG
Daemon's Academy ⅠⅠ. (Trapped In Hell)
Romance- WAG MONG BABASAHIN!!! Read Daemon's Academy |. (School Of Devils) FIRST! :D ~~~~~~♥♥♥~~~~~~ Date Started: February 26, 2018 Date Finished: July 30, 2020