Invite
~~~🌸~~~
Cassiopeia's Point Of View
"L-lance Dela Cruz?"
Alam ko na marami ang nakakakilala kay Lance pero kahit ako ay nagulat ng marinig ko ang panginginig sa boses noong isang lalaki. Nagpalipat-lipat pa sa dalawa ang kaniyang mga tingin.
Kay Lance at kay sir Makkie na para bang hindi makapaniwala ng husto sa kaniyang nakikita. Bakas ang takot at hindi ako maaaring magkamali roon. Lahat sila. Lahat sila iisa ang naging reaksyon.
Umaatras ito at ganun rin ang iba ng humakbang si Lance paabante.
"Who the hell are you?" Isang malamig at malalim na tinig ang nagpatigil sa kanilang lahat.
Aaminin ko na maging ako'y dinaluyan rin ng takot sa katawan ng marinig ko ang boses niyang iyon. Hindi palaging ganito si Lance, but when he became serious, kahit ako ay nakakaramdam ng takot.
"H-hindi ito nasabi sa amin—
"Anong nangyayari dito?"
Ngunit lahat ay napatigil at napatingin sa biglang nagsalita. Naabutan ko ang kadarating lang na si Miss Ysabelle kasama si Miss Ylyanna. Nakatayo silang pareho hindi kalayuan sa lugar namin at matalim ang tingin sa mga taong nakaitim.
Bawat araw, lalong nagiging misteryoso para sa akin ang lahat. Sa halip na malutas ang bawat palaisipan, tila ba panibagong bagay ang natutuklasan ko sa bawat araw na dumarating. Lalo ring lumalalim ang mga bagay, lalong nagiging komplikado.
Hindi ko rin alam kung guni-guni ko lang ba o ano. But when that guy's eye landed on the two ladies in front, mas lalong nanlaki ang kanilang mga mata na para bang hindi makapaniwala sa nakikita. At lalo itong napahakbang paatras.
Halos sabay-sabay pa ang mga ito na humakbang ng ilan paatras.
"K-kailangang malaman ito ni Boss." Bigla na lang siyang tumakbo palayo matapos iyong sabihin.
Ngunit wala pang sampung hakbang, bigla na lamang itong bumagsak sa sahig.
"Anong—
Hindi ko na tuluyang nakita pa ang iba ng hilahin na ako ni Lance at yakapin ng mahigpit papunta sa kaniyang dibdib na tila ba takot na makita ko ang mga susunod pang mangyayari.
"Shit!"
Nag pumiglas ako at nagpumilit na umalis mula sa hawak niya para muling lingunin ang mga nakaitim kanina. Ngunit ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng sunod-sunod na bumagsak ang iba pang natitira.
BINABASA MO ANG
Daemon's Academy ⅠⅠ. (Trapped In Hell)
Romance- WAG MONG BABASAHIN!!! Read Daemon's Academy |. (School Of Devils) FIRST! :D ~~~~~~♥♥♥~~~~~~ Date Started: February 26, 2018 Date Finished: July 30, 2020