Play
~~~🌸~~~
Amber's Point Of View
"They say that Cupid is the Greek god of love, isn't he?" Halos mapatalon ako sa gulat nang may biglang magsalita sa aking likuran. Nang lingunin ko'y nakita ko ang mga kaibigan ko, nakasunod habang suot ang mapang-asar na mga ngiti habang nakatingin sa akin.
"Maybe the gods hate us. Baka ang iniisip nila, love is not for demons like us. A demon living in this hell." It was Erin, and she was with Jhorie and Crizel, who were firmly looking at me.
Hindi ko makuha ang kaniyang sinabi kaya halos magsalubong ang aking mga kilay.
"Well, I do understand them. After all, I, myself, believe that demons don't deserve love."
"And who are you to say that, Erin? We're not demons in the first place. Baka ikaw, oo. Pero huwag niyo akong idamay. I am a gorgeous angel living in this hell. That's the best way to describe myself." Ani Crizel.
Naiiling man pero hindi na ako nagsalita. Nagpatuloy ako sa paglalakad na tila hindi sila naririnig. Wala rin ako sa mood na makipagtalo dahil sa dami ng mga iniisip ko. I know that they are also referring to Red and I. Hindi rin naman lingid sa kaalaman nila ang nangyari sa amin.
Pero hindi ko magawang maging emosyonal sa harapan ng mga kaibigan ko. Alam ko na marami kami ngayong problema at ayoko na dagdagan pa ang mga iniisip nila sa pag-aalala sa akin at sa nangyari sa amin ni Red.
Oo, masakit pa rin sa akin pero wala na akong magagawa. Nangyari na ang lahat. Ang kailangan ko na lang gawin ngayon ay tanggapin ang lahat ng mga nangyari. Alam ko rin na darating ang araw at mawawala na rin ang sakit na ito. Isang araw, mamamanhid na lang ako at masasanay sa sakit. There are more important things I need to think of. I need to put myself together!
Tapos na ang klase namin sa araw na ito kaya sa halip na dumiretso sa dorm, mas pinili ko na pumunta kay Lance. Sa clinic kung asan din si Cassiopeia.
Nalaman lang namin ang nangyari matapos ang sinabi ni Cassie at sana ay ayos lang si Lance. Isa pa, I believe that Alia is also there.
Isa pa iyon. Masyadong magulo ang mga nangyayari. At sa biglang pagpapakilala ni Alia? Lahat nagulat. Habang ang iba, hindi pa rin tuluyang matanggap ang nalaman. Even I, cannot understand if this is real. Para akong nasa loob ng isang panaginip. Panaginip na may kasamang masamang bangungot.
"Amber," It's Crizel, trying to call my attention.
"Ang sabi ni Alia umalis si Cassiopeia kanina para ayusin ang ilang bagay but she'll be back after a week. Kahit si Alia walang alam sa mga plano ni Cassie but we have to be strong and be ready for her next plans para tumulong."
Umalis si Cassie? Bigla akong natigilan at napalingon sa kanila.
BINABASA MO ANG
Daemon's Academy ⅠⅠ. (Trapped In Hell)
Romantizm- WAG MONG BABASAHIN!!! Read Daemon's Academy |. (School Of Devils) FIRST! :D ~~~~~~♥♥♥~~~~~~ Date Started: February 26, 2018 Date Finished: July 30, 2020