Leave
~~~🌸~~~
Alia's Point Of View
"Girls! Narinig niyo na ba yong nangyayari? Nagkakagulo raw ngayon sa hallway. Iyong malapit sa clinic. Bilisan niyo!"
"Sino? Anong grupo?"
"Hindi namin kilala. Marami sa kanila mukhang mga bagong mukha at mukhang hindi estudyante rito."
"Ano? Paano nangyari iyon? Anong hindi estudyante?"
Napahinto ako nang marinig ang usap-usapan. Nagkakagulo ang mga estudyante at ang ilan ay nagtatakbuhan na. Meron pa akong natitirang dalawampung minuto para sa susunod na klase kaya napahinto na rin ako at hindi na muna inisip ang oras. Nakinig ako sa naging ingay at usapan sa paligid.
"Hindi namin alam. Pero nakita namin ang grupo ng Poseidon na papunta sa lugar kung nasan sila Lance. Baka pati sila makisali."
Lance? Narito na si Lance?
Hindi iyon nakaligtas sa pandinig ko dahil masyado silang malapit sa akin.
"Guys, bilisan niyo! Ang mga kapatid ni Lance!" Isa pang humahangos na estudyante ang biglang dumating para maghatid ng balita.
Nang narinig ko ang pangalang Poseidon kanina natigilan na ako. Pero nang marinig ko ang mga kapatid ni Lance? Nilingon ko na nang tuluyan ang mga estudyante.
Para sa akin normal lang kung ang mga grupo lamang ang masasangkot sa gulo kaya't ipagsasawalang bahala ko ito dahil alam kong makakarating kaagad ang balitang ito kina Makkie at Teijie at sigurado akong sila na ang bahala para mapigilan ang mga estudyante. Pero dahil sa sinabi ng isa na mga kapatid ni Lance, iyon ang tuluyang nagpatigil sa akin.
Narito ba siya? Kung narito nga siya, anong ginagawa niya rito?
Halos lahat ng estudyante ay nag-unahan sa pagtakbo. Mga animo'y sabik na sabik na makapanood sa nangyayari. May ilang nanggaling pa sa loob ng mga classroom. Nagkagulo na ang lahat at maging ang ilan sa miyembro ng mga grupong hawak ko sa isang klase ay nakita ko na ring naglalakad at binabagtas ang lugar kung saan patungo ang ibang estudyante.
Humakbang ako patungo sa direksyong tinatahak nang halos lahat pero isang mahigpit na hawak ang nagpahinto sa akin mula sa likuran.
BINABASA MO ANG
Daemon's Academy ⅠⅠ. (Trapped In Hell)
Romantizm- WAG MONG BABASAHIN!!! Read Daemon's Academy |. (School Of Devils) FIRST! :D ~~~~~~♥♥♥~~~~~~ Date Started: February 26, 2018 Date Finished: July 30, 2020