Secured
~~~🌸~~~
Terrence's Point of View
Past six in the evening nang magdesisyon ang mga gagong umalis na. Kung hindi ko pa mga pinagtabuyan hindi pa siguro mga aalis. They have their own places, kaya tama lang siguro na doon sila magpalipas ng oras hindi dito sa lugar ko dahil sigurado ako na malulugi ako kahit hindi paman lang ako nakakapagbukas ulit.
Nilingon ko ang paligid at saka napahilot sa sentido.
Fuck it! Hindi na nga mga nagbayad, nagkalat pa nang sobra.
Hindi ko alam kung saan magsisimula pero kinuha ko na ang walis at dustpan sa lalagyanan nito at sinimulan ko nang linisin ang mga kalat na una kong nakita.
Inuna kong alisin at ilagay sa mga tamang lagayan ang lahat ng mga bote ng beer na nasa mesa pati na ang mga baso at mga pinaglagyan nila ng pulutan kasama na rin ang ilang upos ng sigarilyo at ashtray na punong puno. Bago ko isinunod ang mga piraso ng chips na nagkalat sa sahig dahil sa mga ginawa ni Chen na halos siya lang ang nakaubos.
"Talaga ang gagong 'yon! Akala mo patay gutom."
Nang makita ko ang mga balat na nagkalat hindi ko na napigilan ang sarili ko na murahin ang kumag na 'yon hanggang sa utak ko. Kahit siguro madalas silang nandito para tumambay hindi pa rin ako masasanay.
'Akala mo mga walang pera!'
Nakailang mura pa siguro ako sa utak habang tinatapos ang ilang kalat na iniwan nila.
"Sir, kami na po dyan!" Nilingon ko ang isang matandang lalaki na isa sa mga staff ko ng lumapit ito.
"Ayos lang. Hindi ba sabi ko naman sa inyo kapag ang mga siraulo kong kaibigan ang nandito ako ang bahalang maglinis ng mga iniwan nila?"
Napakamot na lang ito ng ulo habang nahihiyang pinapanood ang ginagawa ko. Alam kong sanay na silang makita na ginagawa ko ito matapos umalis ng mga kaibigan ko pero hanggang ngayon nahihiya pa rin sila sa akin.
Ito rin ang madalas kong sinasabi sa kanila noon pa, na kapag mga kaibigan ko ang nandito ako ang bahala sa mga kalat nila. Dahil habang naglilinis ako ng mga iniwan nilang basura sagana naman sila sa mga pang-mumura ng utak ko kaya lalo lang akong ginaganahan.
BINABASA MO ANG
Daemon's Academy ⅠⅠ. (Trapped In Hell)
Romance- WAG MONG BABASAHIN!!! Read Daemon's Academy |. (School Of Devils) FIRST! :D ~~~~~~♥♥♥~~~~~~ Date Started: February 26, 2018 Date Finished: July 30, 2020