Chapter 54

996 60 16
                                    

Lifetime


~~~🌸~~~


Cassiopeia's Point of View


"W-what is that? Lance!" Napatingin ako sa paligid.

Nagkakagulo na ang lahat. Maraming nagtatakbuhan, nagsisigawan at nagkakagulo. Takot na takot dahil sa mga sunod-sunod na pagsabog. Kahit ako ay kaagad na binalot ng takot at kaba. We have Rhyzen. We need to get him out of here.


Pinanood ko ang buong lugar. Hindi na magkandaugaga ang mga tao sa pagtakbo. Nabulabog ang lahat dahil sa ilang sunod na pagsabog.


"Wag kayong lalayo sa akin! Stay here!" Niyakap ako ni Lance ng mahigpit kasama ng anak namin. Ipinako niya kami ni Rhyzen sa likod ng isang malaking puno para itago but I can fight. I can protect them.


What the hell is happening? Hindi ko man alam pero malakas ang kutob ko that it has something to do with us. Nasundan ba kami? May nakaalam ba na narito kami?


Shit! I need to contact Ylyanna or Ysabelle. Sila Kuya! I know that they are still here. Ngunit tuluyang nablangko ang isip ko matapos ang sunod-sunod at malalakas na pagsabog. Ilang ingay at putok naman rin ng baril ang pumalit. Sa kaba ko ay napayakap na lang din ako ng mahigpit habang itinatago sa gitna naming dalawa si Rhyzen.


God damn it! Rhyzen is with us. I can't let anything happen to our son. Kaya kahit na balisang-balisa ay pilit kong hinanap sa buong paligid ang mga Underground Reapers na alam kong nagtatago lang sa bawat sulok at nakabantay sa amin pero hindi ko sila makita.


What the hell is happening? Saan sila pumunta sa pagkakataong ito kung kailan ko sila kailangan! I need them to protect my child and Lance! Mapanganib ang paligid. Hindi ko alam ang mga nangyayari but one thing is for sure. I am afraid for Lance and Rhyzen's safety. I need them to be safe, I need them to be on the safe place. Hindi ko kakayanin kung may mangyari sa kanila.


Kaya kahit na nagkakagulo ang buong paligid, hinanap ko pa rin ang daan para makalayo kami. Isang ligtas na daan para mailayo ko si Lance at si Rhyzen sa lugar na ito. But from the position we are in right now and how Lance's arms snaked around us, I felt like we were already secured. Just his presence alone can calm down my trembling system. Pero hindi ako maaaring magpakampante. I know what Lance is capable of doing at iyon ang hindi ko na hahayaan ngayon. I will not let him make a stupid move this time, like he usually does. As long as I can do my part in making them both safe, then I'll search for every part of it.


Pero sa kabila nang paghahanap ko sa kanila, si Kenneth ang nakita kong tumatakbo palapit sa lugar namin.


"LANCE!" He is calling Lance's name habang yumuyuko at umiiwas sa bawat putok at pagsabog na umaalingawngaw sa buong paligid.


I didn't think that the peaceful place before would turn into this. The paradise I used to admire when we first arrived here turned into a disaster. Sigawan ng mga tao at mga nagtatakbuhang turista. Maraming sumisigaw na tila ba takot na takot.

Daemon's Academy ⅠⅠ. (Trapped In Hell)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon