Palawan
~~~🌸~~~
Amber's Point of View
"Barbie, sandali lang!" Pinilit kong lakihan ang mga hakbang para lang maabutan siya.
Kahit na halos nanginginig ang mga tuhod ko at kumakalabog ang dibdib pinilit ko ang sarili dahil masyado na syang nauuna at napapalapit nang masyado sa pinto ng condo unit kung saan tumutuloy si Kylie base sa ibinigay na address kanina ni Jane.
Hindi ko alam kung sadyang excited lang ba sya kaya mabilis at malalaki ang mga hakbang nya, o baka na sa akin talaga ang problema? Natatakot ako, pero hindi ko alam kung para saan. Siguro dahil sa pakiramdam na hindi pa ako ready.
Kaya para pansamantalang maibsan ang kaba at takot, sinubukan kong ibuhos ang atensyon sa pagpuna ng buong building mula sa parking lot hanggang sa palapag na ito. Sinubukan ko ring bagalan ang bawat hakbang pero mukhang ako lang ata ang may gusto nang ganong paraan, dahil si Barbie normal at wala namang problema. Ako lang talaga ang apektado.
"A-are you sure? I mean hindi kaya sya galit sa akin? Barbie, natatakot ako. B-baka—
"Kung ganyan ka mag-isip mababaliw ka lang." Lumakad sya pabalik papunta sa pwesto ko at saka ako hinawakan nang mahigpit sa palapulsuhan.
"Halika na! Paano natin malalaman kung hindi natin susubukan, hindi ba?"
Hindi nya ako hinayaang makakontra. Hinila nya ako palapit ng mabilis at papunta sa tapat ng pinto kung saan ang eksaktong ibinigay ni Jane.
Barbie knocked on the door confidently habang ako ay hindi malaman ang gagawin. Gusto ko na tumakbo palayo pero pakiramdam ko alam nyang isa iyon sa mga plano ko kaya mahigpit nya akong hinawakan sa braso.
Shit! I never thought that it would be this damn hard. Akala ko naman nakapag-practice na ako sa loob ng ilang taon para sa araw na ito. Unexpected man o sinasadya.
Akala ko okay na ako. Akala ko kakayanin ko, mukhang puro akala lang pala ang lahat. Kaya habang kumakatok siya sa pinto ay taimtim naman akong nagdadasal na sana walang tao. Sana hindi bumukas.
Sana...
"Barbie—
But when the door opened, halos nabuhol ang dila ko. My knees started to shake really hard. My heart is beating so fast na para bang kasali sa isang karera at kahit ang mga muscles sa buong katawan ko parang nagulantang nang sobra nang iluwa ng pintuan ang kabuuan ni Kylie.
BINABASA MO ANG
Daemon's Academy ⅠⅠ. (Trapped In Hell)
Romansa- WAG MONG BABASAHIN!!! Read Daemon's Academy |. (School Of Devils) FIRST! :D ~~~~~~♥♥♥~~~~~~ Date Started: February 26, 2018 Date Finished: July 30, 2020