Powerless gangsters
~~~🌸~~~
Amber's Point Of View
Nagpatuloy sa paghila sa akin si Kylie. I was confused and doesn't have any idea. Gusto ko na umalis, ang bumalik sa Academy pero hindi niya ako binitawan at sa halip, mas lalo pang humigpit ang hawak sa akin.
"Let's go girls. Bumalik na tayo sa Academy. Please! Anong oras na. Baka sobra-sobrang parusa na ang makuha natin nito. Hindi ba kayo natatakot"
It was, I think the 10th time that I asked them. Hindi ko na mabilang nang maayos kung ilang beses na akong nakiusap sa kanila para bumalik sa school pero parang wala silang naririnig. Gusto ko na bumalik. Natatakot na ako. And I am just concerned sa kung anong pwedeng mangyari sa amin habang nandito kami sa labas.
Masyadong delikado ang paligid. Kung delikado na ang loob ng Daemon's Academy ano pa kaya kung ganitong andito kami sa labas? Sa dami ng nangyari sa amin nitong mga nakaraan hindi na mapanatag ang loob ko and this shopping mall is not an exemption. Hindi namin kilala ang mga nasa paligid. Maraming mukha ang maaaring nagpapanggap. Mga delikadong tao.
So we really need to go back. Isa pa hindi naging normal ang ginawa naming pagtakas sa Academy kanina. Siguradong ngayon may nakahanda na kaming punishment. Hindi lang sa mga school staff kundi lalo na sa mga miyembro ng Hades.
"Girls naman, please!" Pero para lang akong hangin sa kanila. Para akong nakikiusap sa hangin. Ako habang desperada sa pakikiusap, habang sila ay naroon at mukhang nag-eenjoy lang sa bawat boutique na nadadaanan namin.
Si Erin at Faye pumapalakpak pa kapag napapadaan kami sa mga kilalang boutique. Habang sina Barbie at Yen naman ay pumapasok pa sa ilan sa mga iyon, mabuti na lang at mabilis sila Eya at Shainna na silang humihila sa mga ito palabas.
Habang ako? Heto at hawak-hawak pa rin ni Kylie habang dire-diretso sa paglalakad na para bang walang naririnig sa mga reklamo ko. Konti na lang at sasabog na ako! Nararamdaman ko na ang pagkulo ng dugo ko. Hindi ko na gusto ang ginagawa nila. Kung sila mukhang natutuwa, ako ay hindi.
"Girls please... Please listen to me." Pinilit kong hilahin pabalik ang palapulsuhan ko mula sa mahigpit na kapit ni Kylie at mabilis na humarang sa daraanan nila para lang mapigilan ang mga ito at pansinin ako.
Pero tanging pagmamaldita lang ang naging sagot nito habang nakataas ang isa sa mga kilay.
"What's your problem, Amber?"
BINABASA MO ANG
Daemon's Academy ⅠⅠ. (Trapped In Hell)
Romance- WAG MONG BABASAHIN!!! Read Daemon's Academy |. (School Of Devils) FIRST! :D ~~~~~~♥♥♥~~~~~~ Date Started: February 26, 2018 Date Finished: July 30, 2020