Brokenhearted
~~~🌸~~~
Cassiopeia's Point Of View
After that confession from Lance, madalas akong mabalisa, matulala at mag-isip ng malalim. There were times na napapansin na iyon ng mga kaibigan ko at ayoko naman na mag-alala sila kaya pilit kong binabalik sa dati ang lahat kahit na mahirap. I tried to not make them worry kaya sumama ako sa kanila ng hilahin ako papunta sa gym when they said that Zeus and Hades is in here.
"What's this? I thought I'd see blood everywhere. But what is this?" Bakas ang pagkadismaya sa boses ni Erin ng wala kaming maabutang gulo ng marating ang gym.
Kabaliktaran ito sa inaasahan ko, namin. Dahil sa halip na away, mga naghahandang manlalaro ang sumalubong sa amin. It is not that we always expect that kind of scenario, sadyang hindi lang ito ang inaasahan namin.
"Akala ko ba next week pa mag-uumpisa ang tournament para sa school festival? Bakit mukhang napa-aga ata?" Tanong ni Crizel habang umiikot sa paligid ang mapanuring mga mata.
Si Amber ang humila sa amin at ngayon ang sabi niya ay narito raw ang Zeus at Hades kaya ang unang pumasok sa isip namin ay gulo. Nangingiti ito sa hindi ko gustong paraan. Zeus and Hades members are preparing. Parehong naghahanda sa tig-kabilang dulo ng basketball court sa gitna habang ang iba ay nakasuot ng jersey uniforms.
Nanliit ang mga mata ko. I know she mentioned these groups as a way to divert the students' attention. Para na rin mawabasan ang kaba at pag-aalala ng lahat dahil sa mga nangyayari. Pero wala na ata akong idea sa mga iyon dahil sa masyado na akong nagiging okupado.
Iilan lang din kami because Eya and the rest was up to something. Hindi ko nga lang alam kung ano ang gagawin nila. Hinanap kaagad ng mga mata ko si Lance. Kasali ba siya? Mukhang masyado siyang naging abala matapos niyang umalis at sundan sina Shone kanina.
"Cassie, let's go there!" Turo ni Amber sa mga upuang nasa bandang gitna.
Nauna silang maglakad kaya sumunod naman ako at hindi na sumagot. After our subject kay Madame Liana kanina, inannounce na cancelled na raw lahat ng mga susunod na klase para sa preparation sa darating na school festival. Isa ito sa event na mararamdaman muli ng lahat na isa kaming normal na eskwelahan at tulong para sa lahat ng may pangamba sa mga nangyayari.
Sa totoo lang, biglaan ang lahat. Noong mga nakaraan hindi rin naman nagka-kansela ng klase. Ngayon lang. At marahil dahil iyon sa mga nangyayari sa loob ng eskwelahan na ito. Isa pa, this school Festival ang isa sa pinakamalaking event ng Daemon's Academy. Mula sa faculty, sa bawat department hanggang sa mga players ng iba't-ibang sports, also the club members are preparing. Daemon's Academy may look extraordinary compared to other universities and academies pero meron pa rin itong mga events katulad na lamang sa ibang eskwelahan.
Narating namin ang mga bakanteng pwedeng maupuan pero hindi sapat sa amin ang space dahil nga marami kami but I don't know what Crizel did kase bigla na lang nagmamadaling nag sialisan ang ibang nakaupo sa malapit na para bang natatakot.
BINABASA MO ANG
Daemon's Academy ⅠⅠ. (Trapped In Hell)
Romance- WAG MONG BABASAHIN!!! Read Daemon's Academy |. (School Of Devils) FIRST! :D ~~~~~~♥♥♥~~~~~~ Date Started: February 26, 2018 Date Finished: July 30, 2020