Chapter 28

2K 78 10
                                    

Little


~~~🌸~~~


Amber's Point of View


"Hey! Wake up! Are you okay?" Isang malamyos na tinig ang gumising at humila sa akin pabalik sa kasalukuyan kasama nang marahan nitong pagtapik sa aking braso.


Iminulat ko ang mga mata at doon nakita na nasa loob pa rin pala ako ng kaniyang sasakyan. Nilingon ko ang daan sa labas ng bintana at doon ko napansin na malapit na kami.


"N-nakatulog ba ako? Pasensya na." Umayos ako nang pagkaka-upo. Pati na ang sarili ko. Mabilis kong sinuklay ng mga daliri ang mahaba kong buhok na hindi ko na nagawang itinali kanina. Mukhang nakatulog na naman ako nang hindi namamalayan.


"I heard you groaning. Nightmares again?" From my peripheral vision, nakita ko ang mabilis na pagsulyap niya sa akin bago muling itinuon sa kalsada sa harapan ang buong atensyon.


Mukhang malalim ang mga naging panaginip ko para makalikha ng ingay. Damn it! When will these nightmares leave me? Habang tumatagal pakiramdam ko lalong lumalala. Habang tumatagal lalo akong hinahabol ng nakaraan. Hindi ako hinahayaang makaalis at parati akong hinihila pabalik.


Pero sa kabila ng lahat, parati kong inaayos ang aking sarili. Parati kong sinusubukan na 'wag magpatali sa nakaraan. I need to take a step forward, we need to move forward.


Ilang malalim na paghinga ang hinugot ko bago sumulyap sa kaniya kasama nang maliliit kong ngiti bago napailing. I want to tell her that I am okay despite what she heard or what I did when I was sleeping pero ang ilang butil ng pawis sa aking noo ang maaaring maging dahilan kung hindi man siya maniniwala.


Isang nakakatakot na panaginip na naman. Kahit na halos parati na lang itong nangyayari hindi ko pa rin maiwasang hindi masaktan kapag nagigising na ako sa kasalukuyan. Kumuha ako ng tissue mula sa dashboard at mabilis na pinalis ang mga pawis na namuo sa gilid ng aking noo. At saka ko siya muling nilingon.


"I am fine, Barbie." Mahinang sagot ko.


Lumingon ulit siya sa gawi ko nang mabilis bago muling itinuon sa daan ang pares ng mga mata.


"I knew it, Amber. Hindi mo kailangan magsinungaling." Banayad ang kaniyang boses pero buong-buo ito at alam kong hindi bebenta sa kaniya ang mga dahilan ko.


Napabuntong hininga ako habang nag-iisip ng mas mabisang dahilan. Kilala na talaga niya ako. Siguro nga sapat na ang limang taon para makabisa niya ang bawat kilos at pag-uugali ko na kahit ang maliliit na pagsisinungaling ay mabilis niyang natutukoy.

Daemon's Academy ⅠⅠ. (Trapped In Hell)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon