Chapter 52

977 46 9
                                    

Tali


~~~🌸~~~


Barbie's Point of View


"Sa totoo lang nalulungkot ako."


Sandali akong natigil sa panggagamot sa maliliit na sugat sa aking braso kung saan bumaon ang mga kuko ni Crizel kanina. Nilingon si Yen.


Abala siya sa paglalagay ng yelo sa kanyang pasa sa binti nang tumama ito sa isang kanto ng mesa matapos syang masipa ni Veronica pero sa mukha nito halatang hindi pa rin maunawaan ang ibang bagay.


Hindi ko rin siya masisisi. Dahil lahat kami rito gulong-gulo na. We are all clueless. It was like we were all trapped inside a small room with no lights. Pare-pareho kaming nangangapa. Yong mga tanong at palaisipan, patuloy na dumadating kahit na hindi pa namin nasasagot iyong mga nauna.


This was also like a torture. How can they do this to us? Kung sa likod ng limang taon hindi naman kami nagbago sa kanila? Kahit na ipagtabuyan, kahit na ipagtulakan at kahit na batuhin na nila kami nang masasakit na salita hindi pa rin iyon naging dahilan para sukuan namin sila. At kahit na ngayon na umabot na kami sa panibagong level na susubok sa aming lahat hindi pa rin ito dahilan para sukuan namin sila.


Dahil kasama ng mga binitawan naming salita at pangako sa kabila ng tintang iginuhit sa mga balat namin ay ang pangako hindi lang bilang opisyal na kasapi ng Underground, hindi lang bilang isang miyembro ng Artemis, kung hindi bilang mga kaibigan din ng bawat isa.


"Bakit sila ganun? Parang hindi na sila ang mga kaibigang nakasama natin noon ng mahabang panahon? B-bakit—


Pumiyok ang boses nito. Nabasag ang kanyang boses kaya mabilis ko itong dinaluhan. Naupo ako sa malambot at mahabang sofa at pumwesto sa kanyang tabi para hagurin ang kanyang likod.


Sa mga oras na ito pakiramdam ko hindi na sasapat ang pang-unawa. Pakiramdam ko hindi na tamang rason ang unawain at intindihin na lang sila. Dahil kailangan din namin ng sapat na paliwanag. We need to understand, they need to let us understand. Kung totoong hindi na mga kaibigan ang turing nila samin sana bigyan nila kami ng sapat na dahilan para intindihin at sapat na oras para matanggap.


Hindi namin ipagsisiksikan ang mga sarili kung totoong para sa kanila ay hindi na kaibigan ang turing nila sa amin. Kung totoong ibang tao na lang kami para sa kanila.


"P-pero kahit na ganun... hindi ko pa rin magawang isipin na hindi na sila ang mga kaibigan ko. Ang mga kaibigan natin!"

Daemon's Academy ⅠⅠ. (Trapped In Hell)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon