Chapter 45

1.1K 66 9
                                    

Son


~~~🌸~~~


Cassiopeia's Point of View


"L-lance..." 


Hindi ko alam pero tila dinala na ata ng hangin ang utak ko. Hindi na ako makapagsalita at makapag-isip nang maayos. Nasa harapan ko siya pero hindi ko malaman kung ano ang dapat na gawin. Naguguluhan ako and at the same time natatakot.


Bakit ba siya narito?


Anong ginagawa niya?


Humakbang ako paatras pero muli siyang lumapit. Hindi ko na alam ang gagawin. Alam ko na kahit umalis o tumakbo ako, alam ko na wala na akong pwedeng puntahan. Hindi na ako makakatakas. 


Pero hindi dapat ganito at hindi dapat ngayon.


Umiwas ako ng tingin at saka pinagmasdan ang anak ko na habang buhat-buhat ito.


'I don't know if I am doing it right pero hindi ako sigurado kung tama bang ipakilala na kita sa Daddy mo'


Kaya kahit na gulong-gulo ang utak, umiwas ako at naglakad palayo. Pero muli akong natigilan ng mula sa likod ay niyakap ako ni Lance nang mahigpit. Ako kasabay ng anak namin, yakap-yakap niya kami mula sa lilkod kaya hindi ko na alam kung paano pa makakatakas.


"Cassiopeia..." Tawag niya sa akin sa mahinang boses. Pabulong lang ang kaniyang boses na para bang hirap na hirap kaya agad na may bumara sa lalamunan ko.


"Don't go..." 


Pakiramdam ko unti-unti akong nabasag nang marinig ko ang sinabi niya. Mahina ang boses niya pero punong-puno iyon nang pakiusap.


"You're real." 


Hindi pa rin ako nagsalita dahil naroon ang takot. Alam ko na ilang taon ko na itong pinag-aralan at pinagplanuhan pero nang makita ko si Lance, nawala at nilipad lahat nang ginawa kong pagpaplano noon. Hindi ko malaman kung saan magsisimula sa mga paliwanag.


"A-am I dreaming? Please tell me I'm not."


Sa tono niya naririnig ko ang pangungulila. Napayuko ako at pilit na itinago ang mahihinang hikbi.


"Damn! You're real!"


Mas lalong lumalim, bumigat at humina ang boses niya habang mas lalo pang humigpit ang yakap sa aking likuran.


"P-please, Cassiopeia... talk to me. Talk to me! Please tell me you are real! You're real... please, baby! Talk to me, please!"

Daemon's Academy ⅠⅠ. (Trapped In Hell)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon