Chapter 57

886 57 21
                                    

Yes


~~~🌸~~~


Cassiopeia's Point of View


"Asan sila?" Hindi na ako makapaghintay kaya halos magmadali akong lumabas.


Wala sa aking pumigil. Kahit si Lance ay sumunod na lang palabas nang hindi nagsasalita.


Cronus!


I need them right now. Matagal silang nawala kaya ang mga Underground Reapers lang ang naiwan sa akin sa loob ng ilang taon. Maliban sa paghahanap sa ilang nawawalang miyembro, I also give him the time to do that important thing he asked for. I have a lot of things running through my mind right now. Pero sa kabila ng lahat, I know the fact that I need him—I need them.


Lumabas ako. Ang Hades lang ang naiwan sa labas kasama ang ilang Underground Reapers pero ngayon ay halos wala ng madaanan dahil sa dami nila nasakop na noon ang buong hallway. Marami ang bagong dating na halos humarang na sa daan.


"Hello, Queen!" Pabirong bati ng nasa unahan. He's wearing formal attire, his presence was so out of place.


Lumapit ito sa akin pero bago pa ito tuluyang makalapit, napahinto na ito nang mapansin ang lalaking kasunod ko. Hindi ko na kailangan magtanong. Presensya pa lang nito, kilala ko na. Mabilis nitong nakuha ang bewang ko. He tightened the grip on my waist habang nakikipag sukatan ng tingin sa nasa harapan.


"Lance!" Tawag ko rito pero pero hindi niya ako pinansin—ni hindi ito lumingon sa akin. Titig na titig ito sa lalaking nakatayo sa harapan kasama ng mga bagong dating.


"Anong ginagawa mo rito, Kuya Lukas?"


Hindi agad sumagot si Lukas. Sa halip, mas lalong lumawak ang mga ngiti nito na tila natutuwa sa presensya ni Lance sa tabi ko. Even how extraordinary his presence is, Lukas remained standing there like he knew what's happening without even uttering a single word. He is wearing a white long-sleeve polo folded over his elbow. He looks like someone who just came from a very important meeting, paired with his black slacks and shoes. His long black hair was tied in half. He looked at me for a brief second, but his eyes were more interested in the man beside me.


"Long time no see, brother." Ngumiti pa ito kay Lance. But Lance's voice was so firm that I even heard the irritation.


"What are you doing here?"


I don't really know if this is the right time, but things really got messed up. Hindi ko na alam kung dapat pa bang ipagpaliban ang ilang bagay gayong nandito na rin naman sila. Sooner or later, I know that Lance will know the truth behind our relationship. Me and Lukas.


"Nandito ako para kamustahin ang ex-fiancée ko." Mapang-asar na sagot ni Lukas at kumindat pa sa akin kaya naramdaman ko ang lalong paghigpit ng kapit ni Lance sa aking bewang.

Daemon's Academy ⅠⅠ. (Trapped In Hell)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon