Chapter 35

2.3K 105 60
                                    

The Reunion


~~~🌸~~~


Amber's Point of View


"Amber, ano ba! This is not the right time to fool around. Anong sinasabi mo? Paanong magiging si Cassiopeia 'yon?"


"But Barbie I saw her! I saw her kaya sige na sundan natin siya. Bilisan mo!" Alam ko na maaaring hindi siya maniwala dahil kahit ako nagulat.


Hindi ako kaagad makapaniwala pero sigurado ako sa nakita ko. I saw her! I saw Cassiopeia!


Kaya para mapatunayan ko ang mga sinasabi ko pinilit ko siya na sundan namin ang sasakyang iyon. Ang sasakyan kung saan ko huling nakita si Cassiopiea. Masyado siyang galit kanina kaya hindi niya napagmasdan ng masyado ang mukha noong babae, pero nang bahagya niya akong nilingon kanina kitang-kita ko at hindi ako maaaring magkamali.


"Are you sure you saw her?" Hindi pa rin ito naniniwala, bakas iyon sa kanyang boses. Nakalayo na rin ang sasakyan pero naniniwala ako na kaya namin itong habulin. Makikita namin sya.


"Yes, I am sure, Barbie!" I answered with full of confidence.


Sigurado ako sa nakita ko. Si Cassiopeia nga 'yon. Hindi ako maaaring magkamali dahil hanggang ngayon malinaw pa rin ang mukha niya sa ala-ala ko. Noong bahagya syang lumingon? Nakasisiguro ako.


Kinuha ko rin ang kulay pink na ribbon na nakita ko kanina sa labas ng Café niya at ipinakita ko ito sa kanya.


"Ano naman 'yan?" Tanong nito sa kabila ng abala nyang mata at atensyon sa daan.


"She's also wearing this." Sagot ko na punong-puno ng kasiguraduhan.


"Nakita kong nakatali ang buhok noong babae, at katulad nito ang gamit niya." Hindi ko alam kung nakakatawa ba iyon pero tumawa lang siya sa sinabi ko.


"Ano ka ba, Amber! Maraming pwedeng gumamit ng ganyan. Ano bang sinasabi mo?"


Umiling ako. Wala akong pakialam kung isipin man nyang nababaliw ako basta naniniwala ako sa nakita ko at sa mga nalalaman ko.


"I don't know if you just forget everything, but Cassiopeia used to wear this kind of thing when we were in the academy. And this is what she's wearing the last time I saw her." Matigas at buo kong saad dito. Hindi ako gumagawa ng kahit na anong kwento.

Daemon's Academy ⅠⅠ. (Trapped In Hell)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon