30: The Treat

458 22 2
                                    



Amethyst's POV






"Congratulations again, Class A. Natalo nyo ang Class B at Class C sa dalawang game. Hindi ko alam na may talent din pala kayo pagdating sa sport at talagang pinahanga nyo ako. Pinapatunayan nyo talaga sa lahat na hindi lang kayo matatalino dahil may itinatago rin kayong galing sa mga palaro. All of you did well. Congrats, basketball and volleyball team." Nagpalakpakan kaming lahat sa tuwa sa sinabi ng guro namin sa History. Sya ang panghuli naming guro bago mag-tanghalian.






Hindi maalis yung mga ngiti sa mga kaklase ko. Sinong hindi matutuwa? Nanalo kami nung lunes pati na rin kahapon. Sobrang galing ng mga manlalaro sa volleyball dahil natambakan nila yung baitang sampu-Class C kahapon. Nakakatuwa, hihi.






Dalawang laro na lang ang kailangan naming maipanalo upang makahinga kaming lahat nang maluwag.






"Oh sya, aalis na ako ng maaga para makapaghanda pa kayo. Alam ko namang kinakabahan na ang mga susunod na sasalang mamaya eh. Soccer team? Goodluck. Lalo nyo pang galingan." Tumayo kaming lahat at sabay sabay na nagpaalam sa guro namin.






Nang makalabas na si ma'am, kanya-kanyang buka ng bibig agad ang mga kaklase ko. Akala mo ay biglang nagkaroon ng gyera. Yung iba ay inaasikaso na yung banner na gagamitin namin mamaya at yung iba naman ay ineensayo ang kanilang boses kung paano sila titili.






Tumigil si Tiger sa pag-aayos ng gamit nya at tumingin sa mga kaklase namin. Sya ay nag-aayos, ako naman ay nakatulala. Nabangag ako sa History kanina e. "Tingnan mo sila, bato.. nakakatuwang makita yung mga nakangiti nilang mukha ano?"






"Oo, nakakatuwa." Tumingin din ako sa mga kaklase namin kagaya nya. Maiingay silang lahat dahil kinakabahan sila pero alam kong masasaya sila dahil yun yung nakikita ko sa mga mukha ng bawat isa. "Pero ibig sabihin ba non ay hindi nakakatuwang makita yung nakangiti kong mukha?" Palagi nya kasi akong nakikita pero hindi nya ako sinabihang ganon.






"Akala ko pa naman seryoso ka!" Tinawanan ako ni tigre. Hindi ko alam kung mukha ko ba yung tinatawanan nya o yung sinabi ko. Parehas nakakasakit eh.






"Amethyst! Tiger!" Lumapit sa amin yung grupo na maglalaro mamaya. Pinapangunahan iyon ng dalawang babaeng kumakaway sa amin na sina Zeny at Alea at nasa likod nilang dalawa ang anim pang kasama. Uy. Hehe. Astig nung dalawang babae kasi sila lang yung babae sa grupo. Hindi kaya tomboy sila? Pero mas maganda pa sila sa akin eh. Ano yon? Naligaw na naman ako ganon? "May 15 minutes pa bago mag-lunch. Magpapalit na ba kami?" Tanong ng isang lalaking kaklase namin na masayahin.






"Mamaya na lang kapag nag-bell na para hindi kayo pagpawisan kaagad." Sagot ni Tiger. "Nakapag-ensayo ba kayo?"






Sumulpot yung isang myembro mula sa likod. "Oo naman, Tiger! Hehe hindi namin 'to pinaghandaan sa totoo lang." Tumawa ang mga kasama nya bago sya batukan.






"Iba talaga kapag magaling ka na!" Pang-aasar ko. "Hindi na kailangan paghandaan ang laban!"






"Biro lang yun ni Ail, Amethyst! Taas ng pangarap ng loko eh!" Sabay-sabay kaming humalakhak sa sinabi ng isa pang lalaki.






"Sige Tiger, Amethyst.. doon muna kami sa iba nating kaklase." Pagpapaalam ni Zeny.






Ngumiti kami nang sabay ni tigre. "Sige."






Game of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon