Amethyst's POV
"Impakta ka talaga bato! Dapat sinasabi mo sa akin kung saan ka nahihirapan para natutulungan kita." Pauwi na kami ni Tiger galing school at eto sya ngayon, pinapagalitan ako. Binalikan nya kasi yung nangyari kanina sa akin nung english.
Hindi ba hindi na dapat pang binabalikan ang mga tapos na? Tapos na kasi. Wala ng kayo. Tsk tsk. Kaya kayo nasasaktan eh. HAHAHA.
May hawak kaming tig-dalawang supot na may lamang mga mangga na inakyat namin sa punong nadaanan namin kanina. Pangpapak rin ito mamaya. "Tulog ka na kasi eh."
"Dapat ginising mo ako!" Si tigre parang si ma'am. Palaging nasigaw.
"Mukhang pagod ka eh.." Totoo yon. Balak ko naman kasi talagang magpaturo sa kanya kaso pagod sya kasi kagagaling nya lang sa paglalaba.
Umiling-iling si Tiger. "Wala ka ngang utak pero binawi naman sa puso." Uy.. papuri ba yon? Ang sarap sana sa tenga kaso ang sakit sa utak. Inaapi nila ang utak ko, ay nako.
Pagdating sa kanto ng bahay namin, pinauna ko si Tiger na umuwi. Pinadala ko na rin sa kanya ang isa pang supot na dala ko. Dadalhin ko kasi yung isa kay Nanay Miring. Puro na lang kasi sya mansanas, baka kako naumay na.
"Mag-iingat ka ah? Gabi pa naman." Ngumiti ako kay Tiger bago kami naghiwalay ng landas.
Sya papunta sa bahay, ako papunta sa bayan.
Hindi naman nakakatakot ang daan patungo sa bayan kasi may mga ilaw-ilaw naman sa kalsada. Nakauniporme pa ako kasi nga kakauwi lang namin. May mga nakikita nga rin akong ibang estudyante pero sa ibang school sila galing. Hindi ko alam kung bakit sila napapahinto kapag nakikita ang uniporme ko o sadyang nagagandahan lang sila sa akin.
"Sa Ashton High sya nag-aaral?"
"Ang swerte nya.. mahal don eh!"
"Pero bakit mukha syang mahirap?"
"Baka scholar?"
"Eh? Mahihirap kaya ang mga tanong don! Ako ngang top 1 sa school naten hindi nakapasa eh!"
"Baka naman kasi mas matalino sya sayo."
"Nakakainggit sya. Araw-araw nyang makikita ang mahaharlika. Lalo na ang prinsipe. Gusto ko reeen!"
Yun yung mga bulung-bulungan na naririnig ko. Pati nga mga matatanda ay napapahinto rin para lang titigan ang suot kong uniporme at ako ay pagtsismisan.
Ganon ba ako kaganda?
Pagdating ko sa bayan, may hindi ako inaasahang makita.
Hulaan nyo.. haha.
"Where can I buy isaw po?"
"Ikaw din yung nagtanong sa akin nung isang araw diba?"
"Ahm.. uh.. yes?"
![](https://img.wattpad.com/cover/132526802-288-k549090.jpg)
BINABASA MO ANG
Game of Love
FanficElite Series # 2 (Salvador-Ashton) "Love is a game, are you willing to play?" - Klyx Daemiel Ashton