Amethyst's POV
Hindi ko makausap si Tiger. Kanina pa sya mukhang wala sa sarili. Ano kaya ginawa nya sa loob ng opisina ni Sir Drex at naging ganyan sya?
Nasa loob na kami ng silid-aralan namin ngayon at dahil wala pang guro, pinapabalik ko muna sa katinuan si Tiger.
Nagpapasalamat din ako dahil wala rin rito ang Primes. Pucha, hindi ko pa nga nakakalimutan ang kahihiyang ginawa ko sa kanila eh. Hindi pa ako handang makita sila ulit. Huhu.
"Anong nangyayare sayo?" Sinundot ko ang pisngi ni Tiger pero nakatulala lang talaga sya. "Hoy, tigre! Anong pinag-usapan nyo ni Sir Drex?" Sobrang grabe ba yung pinag-usapan nila para mawala sa sarili itong si tigre?
"Amethyst.." Mahina nyang banggit. "AMETHYST! AMETHYST!" Nagulat ako sa biglaan nyang paghawak sa braso ko at paulit-ulit akong niyugyog. Pucha. Nahihilo ako! "Bato! Jusko! H-hindi ako makapaniwala!" Natutuwa akong nakakausap na ulit sya ngayon pero nahihilo ako sa ginagawa nya.
"S-sandali.. sandali!" Pagpigil ko sa ginagawa nya at mabuti naman ay tumigil nga sya. "Hoo! Grabe ka! Umalog utak ko don!" Napahawak ako sa ulo ko. Wala na ngang laman pinapaalog pa ng bongga eh!
Nakakatakot ang ngiti ni Tiger dahil ang lawak non, sobra. Tapos parang kumikinang pa yung mga mata nya.
Napahawak ako sa tenga ko nung tumili sya. Napatingin na nga ang iba naming kaklase sa amin dahil sa pagtili nyang iyon. Kilig na kilig si gaga.
"Ano ba yooon?" Sabihin na nya kaya sa akin para masamahan ko sya sa pagkakilig nya. Para hindi lang sya yung magmumukhang baliw sa mga kaklase namin.
Huminga sya ng malalim. "Kasi bato ganito yon.." Huminto sya at ngumiti na naman. Napahawak pa sya sa magkabila nyang pisngi. "Ang prinsipe.." Kilig na kilig talaga? "NAKITA KO NA ANG PRINSIPEEE!"
Eh?
EH?! "SERYOSO?!" Saan?! Saan nya nakita?! Hala! Daya! Bakit ako hindi ko nakita!
"Oo! Nakasama ko sya sa loob ng dean office kanina!" Nyak. Kaya naman pala hindi ko nakita eh. Nasa loob naman pala. "Nakakaloka, bato! Sobraaaaaang gwapo! Tapos ang cool nila ni dean mag-usap! Diba kasi tito nya yon? Shit 'te ang bait naman pala ng prinsipeeeee!" Ang swerte ni tigre!
Dapat lumabas sya para nakita ko rin sya! Huhu. Sayang yung pagkakataon!
Pero diba dapat nakita ko rin syang pumasok sa loob? Kasi nakatambay lang ako sa labas ng isang oras eh. Psh. Wala naman akong nakitang pumasok roon bukod kay Ryle.
Sayang tuloy yung pagkakataon.
***
Klyx's POV
Pumasok sa HQ sina Jythe at Dein na hawak sa magkabilang braso ang isang babae na nakayuko at hindi makatingin sa akin. Dumiretso sila sa akin at huminto mga isang dipa ang layo mula sa table ko.
Pinaglaruan ko ang ballpen sa table ko at doon lang ako nakatingin. "Anong katangahan ang pinaggagawa mo?" Mahinahon kong tanong nang hindi nakatingin sa babae. Mas interesado ako sa ballpen ko kaysa sa kanya.
BINABASA MO ANG
Game of Love
FanficElite Series # 2 (Salvador-Ashton) "Love is a game, are you willing to play?" - Klyx Daemiel Ashton