64: The Pain

736 36 26
                                        



Third Person's POV






Katatapos lang maligo ni Cari dahil maaga palang ay pupunta na syang SGO upang bisitahin ang ama. Nakasabit sa leeg nya ang twalya na ipinampupunas nya sa kanyang basang buhok. Pagkalabas nya sa kanyang kwarto ay unang bumungad sa kanya si Klyx na nakaupo sa couch habang busy na nagtitipa sa laptop nya na hiniram nito.







"Hindi ka pa rin ba tapos dyan sa ginagawa mo?" Naglakad sya papunta roon at umupo sa kaharap na couch na inuupuan ng mahal na prinsipe.







"May mata ka naman diba?" Maagang pambabara sa kanya ni Klyx. "Nagtatanong pa eh kita naman." Huminto ito sa ginagawa upang tingnan at irapan lang sya.







"Wow," Natawa ng mahina si Cari. "Attitude ka, sis?"







Napangiwi si Klyx bago muling nagtipa. "Umalis ka na nga."







"Condo mo?" Tumaas ang isang kilay ni Cari. Sumandal sya sa couch at muling pinunasan ang buhok. "Kapal ng apog tsong ah."







Napangiwi si Klyx. "Hindi ko condo pero bansa namin yung kinatitirikan ng condo mo. Ano, palag?"







Napairap na lang si Cari sa kahanginan ng pinsan.







Tumayo sya at pumuntang kitchen. Binuksan nya ang ref at kumuha ng tubig doon. Ininom nya ito habang pinanonood si Klyx sa ginagawa. Simula nung pumunta ang mahal na prinsipe rito sa condo nya, ganoong senaryo ang nakikita nya sa araw-araw. Hindi nya alam ang pinagkakaabalahan ng prinsipe dahil hindi naman sya nagtatanong. Basta ang bilin lang nito sa kanya, wala syang sasabihin sa iba hangga't hindi ito umaalis sa condo nya.







"Wow, hanep." Gulat na bulalas ni Cari nang makitang wala ng laman ang kanyang ref. Samantalang nung nakaraang linggo lang ay punong-puno pa iyon. "Para akong nagpatira ng leon dito taena." Hindi nya makapaniwalang ani.







Nagpipigil sa tawa na binalingan sya ni Klyx na nasa sala. "Oops. My bad!" Sumama ang timpla ni Cari sa isinigaw nito. "Hindi ko sadya. Gutom lang." Natatawa nitong saad.







"Damn you." Nagmartsa si Cari pabalik sa sala. Sinamaan nya ng tingin si Klyx na tatawa-tawa lang. "Dahil sa ginawa mo, hindi ka na welcome rito."







"Ows? Talaga ba?"







"Huwag mo akong sagarin, Daemiel. King*na. Sa dami ng pwedeng galawin yung pagkain ko pa talaga?" Naiinis talagang sabi ni Cari. Ayaw na ayaw nyang ginagalaw ang mga pagkain nya. Ni hindi pa nga sya nakakalasap ni katiting sa mga yon ay naubos na agad.







"Kung makapagreklamo ka naman dyan parang wala kang pera pambili ulit ah?"







"Pake mo?" Masungit na pambabara ni Cari. "Palibhasa kasi hindi ikaw ang gumagastos kaya hindi mo alam yung hirap ko."







"Tang*na." Klyx suddenly bursted into laugh. "Hindi bagay sayo ang magdrama, 'insan!"







Napapairap na muling umupo si Cari. Pinakalma nya ang sarili ngunit agad ding naiinis sa tuwing naiisip nya na ubos na ang mga pagkain nya.







Game of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon