Amethyst's POV
"Magandang umaga sa inyong lahat!" Masiglang bati ng presidente ng klase namin pagkapasok nya. "Oh! Wala ang Primes?" Gulat na aniya dahil nitong mga nakaraang araw, mas maaga pang pumapasok sa amin ang mga mahaharlika.
"Wala, Santi! May aasikasuhin yata sila." Natawa si Pedro habang pinapanood ang mga kaklase naming babae na nagtutumpukan sa isang gilid. "Kaya nga parang pinagsakluban na naman ng langit at lupa ang mga 'to eh! Haha!"
"Gago ka talaga Pedro ang lakas mong mang-asar." Naiiling na sabi ni Carlos.
"Hayaan nyo na. Nababaliw na rin kasi ang isang yan dahil exam na bukas." Sabi ni Zeny.
Napanguso ako sa katotohanang iyon. Totoong bukas na ang hinihintay naming pagsusulit. Hindi naman na ako nangangamba dahil kampante akong papasok ako bukas nang may sapat na kaalaman at salamat kay parekoy dahil do'n.
Yumuko ako para tingnan ang aking telepono. Binuksan ko iyon at bumungad sa akin ang mensahe galing kay parekoy.
'Be a good student huh? Wala ako ngayon sa tabi mo. Magiging busy ako maya-maya lang. Magreply ka kapag nagtext ako. Ito ang utos ng prinsipe na hindi mo dapat suwayin.'
Napanguso ulit ako ngunit maya maya'y napangiti rin. Iyon na naman yung linya nya na hindi ko naman kinakatakutan. Hahaha. Ewan ko ba! Yung iba kapag sinabi na nya yun ay dali dali syang sinusunod ngunit gano'n yata talaga kakapal ang mukha ko para hindi n'on tablan.
Matapos kong tumugon sa mensahe nya ay muli na naman akong nagpangalumbaba sa lamesa ko habang hinihintay si tigre na dumating galing sa banyo.
Naalala ko tuloy ang naging pagtatalo namin ni parekoy kagabi.
F L A S H B A C K
Nakahiga na ako sa kama ko nang tumawag si parekoy. Nakangiti ko iyong sinagot. "Magandang gabi, parekoy." Tumitig ako sa kisame. Ang saya saya ko ngayon.. ang sarap pala sa pakiramdam kapag araw-araw mong nakakasama ang taong mahal mo at nararamdaman mo sa piling nya kung gaano ka kaespesyal? "Bakit napatawag ka? Gabing-gabi na ah.." Gabi na rin nung ihatid nya ako rito sa bahay. Pagkatapos kasi ng klase, dumiretso ulit kami sa silid aklatan para magreview nga.
[Gusto ko lang ipaalam sa iyo na hindi ako makakapasok bukas.] Nawala ang ngiti ko sa sinabi nya.
"Hala, baket? May problema ba?" Bigla akong kinabahan.
[Nope. May iniuutos lang kasi sa akin na kailangan kong tapusin agad. Wala si Tito Drex bukas kaya ako ang sasalo ng mga trabaho nya. Kailangan kong tapusin bukas ang natambak na trabaho ni Tito at ng Primes nitong mga nakalipas na araw.] Narinig ko ang malalim na pagbuntong-hininga nya. [Ayoko nga sana eh.. tsk.] Nangiti ako nang magsalita sya na may bahid ng kaonting pagtatampo. Siguro ay nakanguso ang isang 'to.
"Hindi pwede, parekoy! Utos yon sayo. Kailangan mo iyong sundin." Pangaral ko.
[Alam ko naman. Pero ang hindi ko matanggap ang pag-absent ni tito. Paniguradong makikipagdate lang naman iyon kay Tita Evelyn. Tsk. Bakit kasi hindi na lang sila magpakasal.] Reklamo nya pa. [Pati tuloy ang oras ko para sayo ay napeperwisyo. Tsk. Tsk.] Doon ko hindi napigilan ang malawak at matamis kong ngiti.

BINABASA MO ANG
Game of Love
FanfictionElite Series # 2 (Salvador-Ashton) "Love is a game, are you willing to play?" - Klyx Daemiel Ashton