Klyx's POV
"Pagpasensyahan mo na ang bahay namin ah? Wala kaming telebisyon dito saka itong electric fan naman ay mahina na rin yung buga ng hangin. Wala rin kaming anong tawag don, aircon ba yon?" Pagpapaliwanag ni Amethyst habang itinututok sa akin ang electric fan nilang dalawa. "Psst, tigre! Akyat muna ako. Bihis lang. Ikaw na ang bahala dyan ah! Huwag mo syang lalapain!" Paalam nya sa kaibigan nya bago tumingin sa akin at ngumiti.
I rolled my eyes. Psh.
Pagkaakyat ni Amethyst ay agad namang humarap sa akin yung kaibigan nya. "M-mahal na.. Mahal na prinsipe! Hindi ako makapaniwala na kaharap ko kayo ngayon!" Tuwang-tuwang sabi nya. "Grabe.. hindi ko alam kung paano kayo nagkakilala ni bato pero ako nga po pala si Tiger Wood!" Nilahad nya ang kamay nya sa akin. "Ihhhh! Bango! Hehe."
Muntik na akong matawa sa pangalan nya pero pinigilan ko lang. Seriously? Tigreng kahoy? Haha.
"I'm--" I was about to introduce myself when she suddenly cut me off.
"Klyx Daemiel Ashton! The prince and the president! I know you!" So sya kilala ako pero yung kaibigan nya hindi? Ano yon? Naligaw si Amethyst ng planeta? Mukha naman syang alien eh, no wonder.
Mukhang matalino si Tiger. Pero yung kaibigan nya kinulang non.
"Pasensya ka na talaga kung walang masyadong gamit dito sa bahay ah? Gipit kasi talaga kami ni Amethyst eh. Kaya yung bunganga na lang naming dalawa yung mag-iingay para hindi ka maboring!" Nakangiting aniya.
Pansin ko nga. Sobrang plain lang ng bahay nila. Walang masyadong abubot. Pero kahit na ganon, komportable naman ako kasi malinis.
Natuwa ako kanina nung malaman kong hindi sya nalalait dito. Nakakatuwa ang mga tao kasi masaya silang lahat. Naaalala ko yung tratuhan namin sa palasyo. Ganitong-ganito rin. Totoo nga ang sinabi nya, ka-close nya nga ang lahat ng mga tao rito.
Bumaba si Amethyst sa hagdan nila na may dalang damit ata. Nakapagbihis na rin sya. "Oo nga pala, ito na yung jacket mo." Inabot nya sa akin yung hawak nya. Tiningnan ko lang iyon. "Yung binato mo sa mukha ko nung nasa bayan tayo, eto yun. Wag kang mag-alala, nilabhan ko na yan." Natawa ako ng mahina sa pagkakadescribe nya. Yun pa talaga ang naalala nya?
"TIGER! AMETHYST!" Bumukas ng malakas yung pinto nila at iniluwal non ang isang ginang na sobrang kunot ang noo. "Nasaan na yung bayad nyo?! Aba eh, kailangan may bayad na kayo ngayon ah! Ang haba na ng binigay ko sa inyong panahon!" Nakapameywnag na pumasok sya sa loob.
Kumunot ang noo ko. Bayad? Para saan?
Madali silang pumunta sa harap ng ginang. "A-alam nyo po, Aling Auring.. pansin ko lalo kayong gumaganda.." Tumaas ang isang kilay ko sa pang-uuto ni Amethyst. Doon talaga sya magaling 'no?
"Ako Amethyst nagsasawa na sa mga pang-uuto mo ah! Ang kailangan ko yung bayad nyo! Kung hindi kayo makapagbabayad ngayon ay papalayasin ko kayo rito!"
Papalayasin? Why?
Nagkatinginan ang dalawa. "Nasaan na yung kinita mo?" Bulong ni Tiger kay Amethyst. Nakita kong nataranta yung isa.
BINABASA MO ANG
Game of Love
FanfictionElite Series # 2 (Salvador-Ashton) "Love is a game, are you willing to play?" - Klyx Daemiel Ashton