34: The Win or Lose

519 28 6
                                    



Third Person's POV






Saktong pagbalik ni Amethyst sa room nila ay ang paglabas ng mga kaklase nya pababa sa ground upang makahanap ng magandang pwesto. Nagtutulakan pa ang mga ito at masasayang winawagayway ang mga banner na gawa nila para sa kanya.







Natawa si Amethyst nang mahina sa nakikita nya. Natutuwa sya sa mga effort ng mga kaklase nya kaya mas lalo syang nagkaroon ng rason para mas lalo pang galingan ang laban nya mamaya.







"AYUN NA PALA SI BATO EH! BATOOOOOO! WOOOOOOOH! MAGBIGAY PUGAY SA NAG-IISANG BATO NG CLASS A!" Sigaw ng team captain ng soccer team nila na sinakyan naman ng mga kaklase nya.







Lumapit sa kanya ang kaibigan. "Bato! Kamusta? Masaya ba ang ensayo kasama ang mahal na prinsipe?" Tudyo ni Tiger na agad namang ginatungan ng iba pa nyang kaklase. Napanguso sya nang mangibabaw ang pang-aasar ng mga ito sa kanya.







"Mabuti naman sana kung hindi nya lang ako ginawang pananggalang sa araw!" Natawa sya sa sariling sinabi.







"Iba talaga kapag may jowa kang maharlika."







"At prinsipe pa!"







"Na gwapo!"







"Na hot!"







"Na matalino!"







"Na talented!"







"At higit sa lahat, na masarap! BWHAHAHAHAHAHAHA!"







Natawa ang buong Class A sa huling sinabi ng kanilang kaklase. "Mahirap yung training mo ah. Sayang ba't buhay ka pa?" Pagbibiro ni Tiger at nakatanggap naman sya ng batok kay Amethyst.







"Sama naman!" Angal ni Amethyst. "Syempre hindi mangyayari yon! Bato 'to! Matibay kaya ako!"







Lumapit sa kanila ang mga kaklase nila. "Bato! Galingan mo ah? Naniniwala kaming lahat sayo!" Sabi ng isa nilang kaklase at nagsimula na naman silang magwala.







"Naman! Asahan nyong gagalingan ko!" Confident na sabi ni Amethyst. Mananalo tayo dahil alam kong suportado ako ng prinsipe.







Sa buong 5th floor, ang section lang nila ang pinakamaingay. Ang ibang section naman kasi ay nasa ibaba na at hinihintay na lang din ang tunog ng bell na senyales na magsisimula na ang laro. 







"CLASS A! NANDIDITO LANG PALA KAYO!" Natigil silang lahat sa pagkekwentuhan at napatingin sa isa nilang kaklase na hinihingal na nakatayo sa harapan nila. "Hoo!" Pinunasan nito ang kanyang noo. "Kailangan na nating bumaba. At pinapatawag na rin ni Zyl ang lahat ng mga players. Amethyst, kailangan mo nang magbihis." Sabi ng lalaki.







Tumingin si Tiger kay Amethyst. "Kaya mo ba?" Nag-aalalang tanong nya.







Ngumiti ng matamis si Amethyst. "Kaya ko na."







Bago umalis si Amethyst, isang cheer muna ang pinatikim ng mga kaklase nya sa kanya na ikinatuwa ng kanyang kalooban.







Game of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon