A/N: Sorry for this late Christmas present. Enjoy. :-)
Amethyst's POV
Napaupo ako sa kama matapos kong malinis ang katawan ko. Nilingon ko ang bintana sa kwarto upang makita ang maaliwalas na kalangitan sa labas. Gusto ko mang buksan iyon nang malaki hindi ko magawa dahil nakalock sya. Sinubukan ko iyong buksan kanina nang makapunta kami rito ngunit masyado syang matigas. Halatang sinadyang gawin iyon upang hindi ako makalabas.
Sumuko ako sa paghahanap ng maaaring takasan. Lahat ng butas sa kwartong ito ay siniguradong hindi ko magagamit sa pagtakas. Nilibot ko ang aking mata sa buong kwarto. Maganda, malawak at maaliwalas.. pangmayayaman. Napangiti ako ng tipid sa naalala. Kamusta na kaya ang kwarto ko sa bahay namin sa Pilipinas?
Matapos nung nangyari sa bodega, agad kaming dinala nila Tito Taffy at Mang Kulas sa bahay na ito. Malaki ang bahay na pinagdalhan nila sa amin ni tigre. Maraming kwarto kung kaya't nagawa nila kaming paghiwalayin. Hindi ko alam kung saang lupalop nakapwesto itong bahay na ito ngunit isa lang ang nasisiguro ko, malayo ito sa bayan. Malayo kanila Nanay Miring. Napatingin ako sa pintuan ng kwarto. Hindi ko na naiisip na tumakas pa dahil batid ko na sa likod ng pintuang iyon ay maraming gwardyang nakabantay. Mayaman ang pamilya nila tigre at maraming tauhan si Tito Taffy kaya alam kong bantay sarado kaming dalawa. Matapos akong ihatid ni Mang Kulas sa kwartong ito, hindi ko na alam kung anong nangyari sa mag-ama. Natatakot ako para kay tigre pero alam ko naman na hindi sya sasaktan ni Tito Taffy kahit na sinuway sya ng anak. Mahal na mahal ni tito si tigre.. ako lang naman yung pinagkaitan.
Kahit basa ang buhok ay humiga ako sa kama. Pagod kong ipinikit ang aking mga mata. Habang ninanamnam ang katahimikan ay biglang bumalik ang taksil na alaala sa aking isipan. Muli na namang nangilid ang aking mga luha nang maalala ko ang huling usapan namin ni parekoy kagabi.
"Kung pagod ka na.. pwede ka nang bumitaw.." Pag-ulit ko sa sinabi nya. Dumilat ako at tumingin sa blangkong kisame. "Para sa akin ba yan o para sa sarili mo, parekoy?" Pinigilan ko ang sariling maluha ngunit masyado syang taksil.
Hindi ko maintindihan ang mga ikinilos nya kagabi. Batid kong balak nyang tuldukan na ang buhay ko sa oras na yon pero bakit hindi nya ginawa? Masyado akong naguguluhan dahil hindi ko alam kung saan ako lulugar. Masyadong magulo ang relasyong mayroon kami. Walang maayos na pag-uusap at hindi klaro ang nararamdaman ng isa't isa.
Naiintindihan ko.. kasi kasalanan ko rin naman.
Kung hindi sana ako nagsinungaling, hindi sya magagalit. Kung hindi lang ako naging duwag, may tyansang magtagal kami. Kung hindi nya sana ako nakilala, mapayapa siguro ang buhay nya.
"P-patawad kung eto lang ako." Pinunasan ko ang aking luha. "Patawad kung ako yung naging g-girlfriend mo." Masaya ka sana ngayon parekoy kung hindi ako nanghimasok sa buhay mo. Patawad kung nabigo akong pasayahin ka. Wala eh, masyado akong sira.
Nabalik ako sa ulirat nang biglang may kumatok sa pintuan. Napaupo ako sa kama at agad na pinunasan ang mga tirang luha sa aking pisngi. Pumasok doon si tigre na may dalang isang tray na puno ng pagkain. Pati sya ay bagong ligo na rin ngunit ang nakakapagtaka roon ay pinayagan syang pumunta rito sa kwarto ko.
"Anong ginagawa mo rito?" Pinanood ko syang lumapit at ilapag ang tray sa side table. "Diba ang bilin ni Tito Taffy bawal tayong mag-usap?" Taka kong tanong.

BINABASA MO ANG
Game of Love
FanfictionElite Series # 2 (Salvador-Ashton) "Love is a game, are you willing to play?" - Klyx Daemiel Ashton