45: The Reaction

486 32 9
                                        



Third Person's POV





Huminto si Dein sa paglalakad nang maaninag nya ang kasintahang nakaupo sa malaking bato sa ilalim ng isang mayabong puno.







He walked closer to her. "Madilim na. Ihahatid na kita." Hindi katulad ng dati, ramdam ni tigre ang pag-iiba ng emosyon ni Dein ngayon.







At dahil iyon sa nangyari ngayong araw.







Tumalikod si Dein at nagsimulang maglakad. Dahan-dahang nag-angat ng tingin si tigre. "Ito ba ang parusa nya?" Napahinto si Dein. "Ito ba ang kapalit nang pag-amin ni Amethyst sa kanya?" Tumingala si Tiger sa langit.







Pumikit sya at pilit.. pilit hindi pinapakinggan ang mga iyak na naririnig nya sa paligid.







"Tumayo ka na dyan. Ihahatid na kita." Hindi lumilingong saad ni Dein.







Pekeng natawa si Tiger. "Papaiyakin mo rin ba ako ?" Pinakinggan lang sya ni Dein. "Katulad nang ginawa mo sa daang babae ngayon, Dein?"







Dein let out a heavy sighed bago humarap kay Tiger. "Anong magagawa ko? Utos nya yon." Hindi sya ngumingiti. "Bakit ka ba naaapektuhan, Tiger? Hindi na bago ang ganitong eksena. Yung mga nakikita mo simula kanina, yung mga naririnig mo, hindi na yun bago dahil nasa isang laro tayo."







Sandaling nahinto ang pag-uusap nila nang may dumaang apat na babae na hinahabol ang apat na lalaki.







Mabilis na iniwas ni tigre ang paningin nya sa eksenang iyon. Kung papanoorin nya kasi iyon, hindi na nya makakaya dahil simula kaninang umaga pa sya nakakakita ng ganoong eksena.







Nagmistulang impyerno ang Ashton High ngayong araw. Wala kang ibang makikita at madidinig, kundi puro hinanakit.







"Tama ka sa sinabi mo," Sabi ni Dein. "Itong nasisilayan mo ngayon? Parusa nya nga ito." Lumapit sya kay Tiger at huminto lang nang mga isang dipa na lang ang layo nila sa isa't isa. "Parusang sinimulan nya rito bago sa kaibigan mo."







Tumulo ang luha ni Tiger habang nakatitig sa kasintahan. She doesn't like the aura. Hindi sya sanay sa Dein na kaharap nya. "Kahit kailan hindi naging kasalanan ang magmahal." Kinuha nya ang bag nya sa lapag at tumayo. "Iyon lang ang pinaglaban ni Amethyst.. na hindi makita ng kaibigan mo."







Bigla ay ngumisi si Dein. "Sa lugar na 'to, walang lugar ang mga taong nagmamahal." Natahimik si Tiger. "Kaya alam mo kung ano ang nangyayari sa kanila? Pinapatalsik." Seryoso nyang dugtong.







Nangamba si tigre para sa kaibigan. Hindi nya naiwasang hindi lukubin ng luha ang kanyang mga mata. She cried. "I-i can't lose her, Dein.. I just c-can't.." Napaupo si Tiger at napaiyak sa sarili nyang tuhod.







Nagulat sya nang may biglang humawak sa kamay nya at hatakin sya nito patayo. Naging mabilis ang pangyayari at naramdaman nya na lang na nakapulupot na ang braso ni Dein sa kanyang katawan. "Hush, baby.." Hinaplos ni Dein ang buhok ni Tiger. "I can't also lose you.. hold on." He begged.




***




"PAPI ZAAAAAAAAAAAAACK! PAPI THOOOOOOORN! PAPI DREEEEEEEEEX!" Nag-unahan sa pagpasok ang Primes sa office ni Zack sa Shaydon Guild Building. "MAGANDANG UMAGA SA INYOOOO– oooh! Bakit kulang kayo, tito?!"







Game of LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon