Third Person's POV
"We will be having our first project today. I will group you into two or a partner rather. All you have to do is make a research paper about the business economy here in our country." Pinanood ng Class A ang teacher nilang kumuha ng isang bowl at ilagay roon ang mga papel na nakatupi na may mga pangalan nila. "Lahat ng pangalan nyo ay nandidito na. Bubunot ako kung sino ang magiging magkapartner. Alam ko kasing karamihan dito ay makikipagpatayan makapares lang ang Primes. Kaya para iwas sa gulo, dadaanin natin iyon sa bunutan." Maraming napasinghap nang sabihin iyon ng guro nila. Pawang naudlot ang kanilang binabalak.
Lumunok si Amethyst habang nakatingin sa teacher nila at dahan-dahang tumingin sa bandang likuran kung saan nakaupo ang prinsipe.
Nanlaki ang mga mata nya nang magtama ang tingin nila kaya mabilis nyang binawi ang tingin. Kahit wala syang maintindihan sa sinasabi ng guro nila, pinilit nya na lang makinig.
Napalabi si Klyx nang makita ang ginawa ng dalaga. Siniko sya ni Dein na katabi nya.
"Anong pakiramdam na ma-ignored?" Natatawang pang-aasar ni Dein sa kaibigan.
"Ha-ha." Nagpeke ng tawa si Klyx bago batukan ang katabi. "Tsismoso. Makinig ka na lang."
Sa sobrang pagkatameme at pagkabangag kasi ni Amethyst, hindi nya nagawang sumagot sa tinanong ng prinsipe. Ilang minuto ring nakatayo si Klyx sa harap nya pero no response si Amethyst kaya napagdesisyunan nyang bumalik na lang ulit sa upuan nila. Nakita nya naman daw kasing ayos ito kaya okay na. Okay na sya ron.
Pero hindi nya pa rin mapapalagpas ang hindi pagpansin sa kanya ng dalaga.
"Anakng! Ano bang ginawa ko sayong unggoy ka?" Nagugulat na hinawakan ni Klyx ang batok nya dahil sa malakas na pagbatok.
Tumawa si Chester. "Hahaha! Taena, 'tol! Hindi ako makapaniwalang in-ignored ka ng isang babae!" Pang-aasar pa nito.
"Share mo lang?" Naiinis na pambabara ni Klyx.
"Bait mo banda ron, 'tol!" Sabi ni Jythe. Umirap lang ang prinsipe. Nagsasawa na sya sa kaingayan ng mga alaga nya. Binabalak nya ngang ibalik na ang mga ito sa pinagkuhanan nyang Zoo.
"Oo nga, Klyx! Hindi ka ganon eh! Kailan ka ba naging mabait sa estudyante ng Ashton High ha? Sa kanya lang, 'tol! Sa kanya lang!" Malokong tingin ang itinapon sa kanya ni Kazumi.
Hindi sila pinansin ni Klyx. "Kapag ako nainis, shoshotain ko yan." Sabi nya habang nakatingin kay Amethyst. Muntik pa syang matawa nang makitang nakatulala lang ito sa guro nila. "Airhead." Bulong nya.
"Kaya mo? Kaya mo?" Pakikischimis ni Jythe. Sinasakyan ang trip ng prinsipe dahil alam nyang joke lang nya ito.
"Who am I again?" Nagmamalaki ang tinig na sabi nya sa mga kaibigan. "I am the premier member of Primes. And watch me, I will make her mine." Ngumisi ito.
***
Amethyst's POV
"Amethyst Hermosa and--"

BINABASA MO ANG
Game of Love
FanfictionElite Series # 2 (Salvador-Ashton) "Love is a game, are you willing to play?" - Klyx Daemiel Ashton