Amethyst's POV
Ang sabi rito sa libro, SHAYDON daw ang pangalan ng grupo ng hari. Ang SHAYDON ay binubuo ng anim na myembro. Ito ay sina Tito Katsumi, ang papa ni Kazumi. Tito Lester, ang papa ni Chester. Tito Seth, ang papa ni Seren. Tito Diego, ang papa ni Dein at Tito JC, ang papa ni Jythe. Ang hari ang kanilang pinuno at sa kapanahunan nila, sya ay walang puso.
"Basang-basa ah," Nawala ako sa konsentrasyon nang magbaba si Tiger ng pagkain sa aking harapan. Bigla akong nagutom dahil mukhang masasarap ang mga hinanda nya. "Kumain ka muna, anak."
Ngumiti ako kay tigre at itinabi ko muna ang librong binabasa ko. "Opo 'nay!" Sabay kaming natawa. Umupo sya sa harapan ko. Nakaupo sya sa couch naming kahoy habang ako naman ay nasa lapag. "Woooow. Iba yata ang pagkain natin ngayon, tigre?" Pansin ko lang kasi naging lutong ulam iyon. Adobo ang ulam namin ngayon.
"Bigay yan nila Gigi. May handaan kasi sa kanila. May dalawa pang lutong ulam sa kusina kung hindi magkakasya sa iyo yan ay pwede ka pang kumuha roon." Aba ayos ah! May pakain pala sila Gigi bakit hindi nya ako sinabihan? Sus. Natakot yata kasi nung huling may nag-imbita sa akin eh naubos ko lang naman lahat ng pagkain nila! Haha! Daig ko pa ang may kaarawan no'n!
"Kumain ka na?" Nagsimula akong maghukad para sa akin. Isang plato lang ang kinuha ni tigre siguro dahil kumain na sya.
"Oo, kanina pa. Nauna na ako sayong kumain. Ang tagal mo kasing umuwi eh." Pinanood nya akong kumain. "Bakit ba kasi ang tagal mo?"
Nginuya ko ang pagkain ko bago sya tingnan mula ulo hanggang paa. "Mukhang handang-handa ka nang matulog tigre ah!" Nakabihis na kasi sya ng pantulog. "Nakipagkwentuhan pa kasi ako sa prinsesa. Eh alam ko namang nauna ka na kasi nakita kitang kasama si Dein."
"Tinatawagan kasi kita kanina hindi mo sinasagot ang phone mo." Itinaas nya ang paa nya sa upuan. "Lagot ka talaga sa prinsipe kapag nalaman nyang hindi mo ginagamit ang bigay nya."
Ngumuso ako. "Paano ko naman magagamit yun eh hindi nga ako marunong?" Baka mabato ko pa sya o 'di kaya mapagkamalan kong martilyo edi mas lalong yari ako kay parekoy.
"Anong hindi marunong? Tinuruan na kita ah!" Akmang papaluin nya ako nang iharang ko sa aking ulo ang plato ko. Ngumiti ako sa kanya nang alanganin. "Nasaan na ang phone mo?"
Nginuso ko ang aparador na nasa gilid malapit sa amin. "Nasa loob non." Uminom ako ng tubig at muli pang kumuha ng kanin. "Grabee! Ang sarap nito!" Nakakasabik talagang makakain ng lutong ulam! Puro kasi kami prutas eh hahaha.
Bumuntong-hininga si tigre bago kunin ang librong binabasa ko. "History book 'to ah? Himala yata naiintindihan mo ang mga nakasulat dito?" Sumingkit ang mata ko at napahinto sa pagkain nang pagtawanan ako ng hayop na nasa aking harapan.
"Hoy huwag mong minamaliit ang lahi namin ah!" Porke wala kaming katawan ginaganyan na nya kami? Aba hindi pwede yon! "Ang dami ko na kayang alam!" Totoo yon. Miski ako ay nagulat sa sarili ko. Ang dami kong nalaman sa pamilya ni parekoy.
"Sus. Tuwang-tuwa ka na nyan?" Binato nya pabalik sa akin ang libro. Sinalo ko naman agad iyon dahil hiniram ko lang iyon sa silid-aklatan sa paaralan namin. Baka pagbayarin pa ako! Ay naku, sya talaga ang ibabayad ko! "Maaaring lumawak ang kaalaman mo tungkol sa pamilya nila Klyx dahil sa librong iyan pero hindi lahat ng impormasyon sa mahaharlika ay nakasulat dyan, bato. Marami ka ngang matututunang bago ngunit mas marami ka pa ring hindi alam."
BINABASA MO ANG
Game of Love
FanfictionElite Series # 2 (Salvador-Ashton) "Love is a game, are you willing to play?" - Klyx Daemiel Ashton
