Amethyst's POV
"Tiger.." Nakasandal ako sa pintuan namin habang nakatingin kay tigre na naglalaba ng uniporme namin sa labas ng bahay. May mga kasabay rin syang naglalaba na mga kapit-bahay namin. Tig-dadalawa lang kasi kaming uniporme eh kasi hindi kinaya ng pera. Tapos may pasok na bukas kaya kailangan labhan na talaga.
Sa susunod na lang kami bibili ulit dahil pinag-iipunan pa namin yung pambayad kay Aling Auring. Jusko, susugod na naman kasi yun dito.
Hindi naman kami mayaman kaya di-kusot lang ang ate nyo ngayon. "Uhm?"
Dahan-dahan akong umupo at pinanood ang ginagawa nya. "Nakita mo na ba ang prinsipe?" Ang sabi nila sya ang namamahala ng Ashton High pero bakit hindi ko sya nakikita?
Gusto ko syang makita.
Titingnan ko lang kung kasing-kaugali nya yung prinsesa. Bait nun eh!
"Hindi pa. Impakta ka, dalawang araw pa lang naman kasi tayong nakakapasok." Winisikan nya ako ng sabon. Medyo baboy rin si tigre ah! Nakakain ako ng konti! Sarap nga eh! Pucha.
"Ano kayang ugali non?"
"Malay naten?" Tinigil nya ang pagkusot at humarap sa akin. "Hindi naman kasi natin gamay 'to, Amethyst.." Napabuntong-hininga ako. Tama sya, hindi naman namin gamay 'to. "Pero ewan ko lang ha? Ang sabi nila, mabait ang prinsipe sa mga tao sa bayan.. pero hindi sa mga estudyante ng Ashton High."
"Weh? Bakit naman?" Ano yon? Kailangan may paborito? Mamimili sya kung saan sya dapat magpakabait?
"Sa una hindi ako naniniwala kasi hindi ako sigurado kung totoo at hindi ko rin alam kung bakit.. pero ngayon mukhang alam ko na.. siguro kasi dahil yun sa laro nya."
"Yung Game of Love?" Alam ko na tagalog non! Saka alam ko na rin kung paano yun umiiral sa school. Hindi na kami mangangapa ni tigre at dahil yun sa prinsesa! Makakabawi rin kami sa kanya.
"Oo.." Tumingin si tigre sa kawalan. "Mas naging interesante tuloy yung Ashton High. Gumagawa ng sariling history ang prinsipe. Sumusunod sya sa yapak ng hari." Napangiti sya bago ipinagpatuloy ang paglalaba.
Mas lalong sumidhi yung kagustuhan kong makilala ang prinsipe.
"Hindi ba sabi mo hindi mabait ang prinsipe sa ating mga estudyante?"
"Naman, bato! Ni hindi nga satin yun nagpapakita eh. Haha."
"Eh paano kung nagiging mabait sya kapag kinakausap ako?" Paano lang naman! Pakapalan na kasi ng mukha 'to. Pero malay nyo diba? Ako lang pala ang makakapagpabait sa kanya.
Napapantastikuhan nya akong nilingon. "Aba, eh! Consider yourself as one of a kind!" Shems! Pati si tigre nage-english na rin! "Masyadong mahal ang oras ng prinsipe para makipag-usap sa mga katulad natin, Amethyst."
Masyadong mahal ba? Edi pamurahin natin!
***
"MISS HERMOSA!" Napatayo ako sa gulat sa pagsigaw ng guro namin sa english. Shoot. Lagot ako. "NASAAN ANG REACTION PAPER MO?! BAKIT WALA YUNG IYO DITO?!" Ang lakas ng boses ni ma'am at nakakatakot sya!
![](https://img.wattpad.com/cover/132526802-288-k549090.jpg)
BINABASA MO ANG
Game of Love
FanfictionElite Series # 2 (Salvador-Ashton) "Love is a game, are you willing to play?" - Klyx Daemiel Ashton