Amethyst's POV
Hindi ako umiimik habang nanonood kay Tiger na nagluluto. Hindi rin kasi sya umiimik simula nung makauwi ako kanina. Itong hayop kong kaibigan talaga.. Hindi ba sya nag-aalala sa akin? Hindi porke bato ako hindi na ako nasasaktan ah!
Ngumuso ako nang simulan na nyang ilapag sa lamesa ang mga niluto nya. Galit ba sya? Hindi naman eh. Mararamdaman ko naman kung galit sya, may galit bang kumikinang ang mata?
"Hindi mo talaga ako papansinin, tigre?" Nagpangalumbaba ako sa lamesa at nakasimangot syang tiningnan. Napatigil naman sya sa pagkuha ng mga kubyertos para tumingin sa akin. "Itong hayop na 'to.." Pakunwari'y pagtatampo ko.
Kumunot ang noo nya at maya-maya'y biglang tumawa. "Dapat na ba kitang dalhin sa mental hospital?" Lumapit sya sa akin dala ang mga kubyertos at umupo sa upuan na nasa harap ko. "Ano bang sinisimangot mo?"
"Hindi mo kasi ako pinapansin." Sobrang lungkot ng boses ko. Ang hirap kaya sa pakiramdam na hindi ka pansinin ng matalik mong kaibigan.
Ang lungkot na nararamdaman ko ay ganoon kabilis na naglaho nang batukan nya ako. "Gising na uy! Natutulog ka pa yata eh." Kita mo 'to! Binatukan na nga ako tinawanan pa!
"Seryoso ako ro'n ah!" Padabog akong nagsimulang kumain. "Kanina pag-uwi ko, ni hindi mo man lang ako kinamusta! Napakasama mo." Pangongonsensya ko. "Hindi ka ba nag-alala sa akin? Wala ako kagabi tapos ganyan ang pakikitungo mo ngayon. Mga kauri mo talaga eh 'no magaling lang sa panlalapa!"
Tinutok nya sa akin ang tinidor nya. "Hoy hindi totoo yan ah! Kung alam mo lang kung gaano ako nag-alala sayo nung bigla kang nawala sa school. Halos mabaliw na ako sa kakahanap kung nasaan ka. Hindi naman kita macontact kasi wala tayong telepono. Alam mo bang muntik na akong himatayin sa sobrang pag-aalala? Akala ko.." Tinapunan ko nang makahulugang tingin si Tiger, sinesenyasan ko syang huwag na nyang ituloy dahil mali naman ang naging akala nya. ".. akala ko naging bato ka na ng tuluyan! Hahahaha!" Halata ang naging pilit nya sa pagtawa.
Napangiti na lang ako. Ngunit hindi totoo. "Dapat na ba akong kiligin dahil nag-alala ka pala sa akin?" Pagbabalik ko sa kaninang sitwasyon.
Kumain muna sya kaya kumain na rin ako. "Tungkol naman doon sa hindi kita kinamusta kanina, may dahilan ako 'no! Hindi kita kinamusta kasi alam ko namang nasa mabuti kang kalagayan kagabi. Kakamustahin pa ba kita kung alam ko namang ang prinsipe ang nakasama mo? Ay nako siguradong alagang-alaga ka non."
Kumunot ang noo ko. "Paano mo nalaman?"
"Kay Dein. Saka sa prinsesa."
"Ha?!" Edi alam nya na rin yung tungkol sa pagkakulong ko at sa pagdala sa akin sa magubat na lugar na iyon? "M-may sinabi pa ba sila s-sayo bukod don?"
"Wala naman." Umiling sya. "May dapat ba akong malaman?"
"Wala ah!" Agad na pagtanggi ko. "Kahit na! Dapat kinamusta mo pa rin ako." Grabe talaga si tigre sa akin. Porke si parekoy yung kasama ko ganon? Hindi naman ako naging mabuti sa kamay nya! "Ginawa kaya akong utusan nung prinsipe na sinasabi mo! Oo nga't pinagluto nya ako kaninang umaga pero ako ba naman ang paghugasin? Tapos pinaglinis pa ako sa buong condo nya! Palibahasa kasi'y napakasama ng ugali ni parekoy eh." Buti na lang talaga pinahatid nya ako sa isang kawal hanggang dito. Hindi nga ako pinaligo ng isang yon don! Sabe nya kasi hindi nya naman daw ako totoong girlfriend kaya wala akong karapatang galawin o gamitin ang ibang gamit nya ron.
![](https://img.wattpad.com/cover/132526802-288-k549090.jpg)
BINABASA MO ANG
Game of Love
FanficElite Series # 2 (Salvador-Ashton) "Love is a game, are you willing to play?" - Klyx Daemiel Ashton