Third Person's POV
Matapos kuyugin ng mga tito at tita ni Klyx si Master S ay muli itong tumingin kay Amethyst na halatang kinakabahan dahil sa titig nito.
Nakangiti lang si Kath na nanonood at seryoso namang nakatingin si Daniel.
"Ikaw ang girlfriend nya?" Seryosong tanong ulit ni Master S kay Amethyst.
Paulit-ulit na nagpasalamat si Amethyst dahil hindi spokening dollar ang kaharap. "O-opo.."
Tumingin si Master S kay Klyx. Halata na ang katandaan ni Master S pero hindi pa naman ito naka-wheel chair. Malakas pa sya pero hindi na kasing lakas ng dati. "Sya ba talaga ang girlfriend mo, Klyx Daemiel?" Bumaling sya kay Klyx.
"Yeah." Mahinahong sagot ni Klyx. Gusto nyang sundan iyon ng 'Sa laro nga lang' pero wag na raw pala dahil tinatamad sya.
"Seryoso ka?" Paninigurado ni Master S.
Napalunok na si Amethyst sa paraan nang pagkakatanong nito. "A-ano po kasi.. hehe.." Pagsingit nya kaya sa kanya bumaling ang tingin nito. Agad syang nabalisa. Hala! "A-ano po kasi kahit po p-paprente-prente lang po ang isang yan, eh, s-seryoso pa rin naman po yan! Alam ko pong medyo hindi k-kapani-paniwala yung mukha nya pero paniwalaan nyo na lang po. Totoo pong g-girlfriend nya po ako." Alanganing sagot ni Amethyst. Halatang kinakabahan sya dahil ang bilis nyang magsalita at pautal-utal pa.
Natawa si Master S na nakapagpawala ng kaba na namumuo sa dibdib ng dalaga. "Magaling kang pumili " Nakangiting sabi nito kay Klyx.
"Wow?! Lakas makascripted Master ah!" Pang-aasar ng SHAYDON sa Master nila dahil naalala nila na ganong-ganon din ang mga sinabi nito nung ipinakilala ni Daniel si Kath sa kanya noon.
"Isa po pala kayong Master. Patawad po, Master S!" Mabilis na yumuko si Amethyst. "Pero bakit po isang letra lang? S lang po ba talaga? Wala na po bang kasunod? Ang tipid naman po ng mga magulang nyo sa pagbigay ng pangalan. Sana ganyan din akin kaso po hindi! Hehe." Napasapo sa kanyang noo si Klyx dahil sa kahihiyang pinaggagawa ni Amethyst. Hindi talaga makatiis ang isang 'tong hindi dumaldal.
Iyan daw ang napapala nang hindi nag-aaral ng history.
"Nakakatuwa ka naman iha! Hahaha!" Tumawa si Master S bago lumapit kay Amethyst at guluhin ang buhok nito. "Tawagin mo na rin akong Master S. O 'di kaya Master Lolo, kung saan ka komportable. Hahaha!"
***
Tugtugan, handaan, tawanan, sayawan, kwentuhan at kainan ang sumalubong sa lahat ng imbitado pagsapit ng tanghali.
Tumayo si Klyx at pumunta sa food section na nakahilera sa bandang gilid. Kumuha sya ng baso at nagsalin ng tubig. Habang iniinom nya iyon ay sumandal sya sa pahabang mesa at tumingin kay Amethyst na pinapalibutan ng mga tita at tito nya. Maging ang ina nya, kapatid at mga pinsan nya ay pinapalibutan ang tatlo nilang bagong panauhin. Isama mo pa ang mga lolo at lola nya na nakikihalubilo na rin.
Napairap na lang si Klyx bago ibaba ang baso. "Feeling close talaga sya kahit kailan." Napangiti sya ng tipid nang maalala ang una nilang pagkikita. May ugali si Amethyst na kahit nakakatanga ay mapapangiti ka.
BINABASA MO ANG
Game of Love
FanficElite Series # 2 (Salvador-Ashton) "Love is a game, are you willing to play?" - Klyx Daemiel Ashton
