61. The Liars

535 29 21
                                        



Third Person's POV






"Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sayo." Naiiling na sabi ni Tiger habang pinapasadahan ng tingin ang buong katawan ng kaibigan na nakaupo sa sofa nila. Ibinaba nya ang hawak na basin sa lamesa na may lamang tubig at yelo at saka isinawsaw roon ang twalyang dala. "Sa dami ng pwedeng tamaan, sa mukha mo talaga?" Tiger tsked and shook her head.







Sinimulang dampian ni Tiger ang pisngi nya gamit ang twalya. Napabuntong-hininga si bato bago tingnan sa mata ang kaibigan. "Hindi ko rin inaasahan eh.." Wala naman syang ginawang masama kaya hindi nya talaga makuha ang dahilan ni Sethia kung bakit sya nito sinampal. "Masyadong naging mabilis yung pagkilos nya. Hindi tuloy ako nakaiwas." Sinubukan pa ni batong magbiro ngunit nahinto rin nang makitang seryoso ang kaibigan habang pinapahilom ang namumula nyang pisngi. "Sobra ba talagang namumula?" Hindi nya pa kasi nakikita ang sarili nya sa salamin.







"Tinanong mo pa ha?" Sarkastikong tanong pabalik ni Tiger. Muli nyang isinawsaw ang twalya at piniga iyon. "Ikaw na rin yung nagsabi na sobrang sakit, bato. Kulang na nga lang ay mamaga na 'tong pisngi mo." Naiinis na sabi ni Tiger. Naiinis sya sa sarili nya dahil wala sya nung oras na nangyari ito sa kaibigan.







"Si Kate yung nagsabi sayo 'no?" Napanguso si Amethyst at napayuko. Nahinto si Tiger sa ginagawa at napatingin sa kanya. "Huwag ka nang mag-alala sa'ken.. ayos lang ako."







"Si Kate lang naman yung nando'n sa tabi mo kanina bato diba? Wala nang ibang magsasabi sa akin nung nangyari sayo kundi sya lang." Naiinis na napaupo si Tiger sa tabi nya. "Bakit hindi ka lumaban? Bakit hinayaan mo lang syang saktan ka?" Hinarap nya ang kaibigan. "Hindi sa lahat ng tao pwede kang maging mabait bato.. ano ka ba naman?" Marahas na pinunasan ni Tiger ang luhang tumulo sa mata nya.







Lumamlam ang tingin ni Amethyst at saka marahang lumapit sa kaibigan. Hinawakan nya ang kamay nito habang patuloy itong lumuluha nang tahimik. "Patawad, tigre.. patawad." Sinsero nyang sabi. Patawad kung palagi na lang kitang pinag-aalala.







Tumingala si Tiger bago bumuntong-hininga. "Bakit hindi mo ipinagtanggol ang sarili mo?"







Napayuko si bato. "Maharlika sya, tigre.. parte sya ng pamilya ni parekoy." Mapait na napangiti si Amethyst. "H-hindi ko kayang kalabanin ang kahit sinong malalapit sa kanya. A-ako yung nahihiya.. at s-saka baka ikagalit nya pa yun kung sakali man." Sila yung nauna. Ako lang naman 'tong bigla na lang sumulpot sa buhay ni parekoy. Wala akong karapatan. Wala akong karapatang manlaban.







"Pero sana man lang bato iningatan mo yung sarili mo!" Naiangat ni Amethyst ang ulo nya nang biglang sumigaw ang kaibigan. Naabutan nya itong umiiyak habang nakatitig sa kanya. "Tama na, bato.. hanggang kailan mo ba hahayaan yung ibang saktan ka?" Nanghihinang tanong ni tigre. Sa tuwing naaalala nya ang dinanas ng kaibigan, sya ang mas nasasaktan. Nakakapanghina. Nakakatakot. At gusto na nyang kalimutan.

Game of LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon