Third Person's POV
Dahil nga wala ang Tito Drex ni Klyx sa office nito, tinext nya na lang si Drex na hihiramin nya ang isang estudyante ng Ashton High at sya na ang bahalang umasikaso para kausapin ang mga guro ni Amethyst. Sinend nya na lang dito ang buong pangalan ng dalaga.
Gamit nila ang sasakyan ni Kazumi dahil ayaw nyang gamitin ang sasakyan nya para pasakayin ang dalaga. Pilit nyang hinahatak palabas si bato pero ayaw talaga nitong lumabas mula sa sasakyan.
"Parekoy naman! Sinusulit ko pa nga yung pagsakay sa sasakyan na 'to eh! Huwag madamot!" Pagbawi ni Amethyst sa kamay nya na hawak ng prinsipe at muling sumiksik sa gilid ng sasakyan. "Ang bangoooo. Amoy mayaman." Parang tangang sininghot nya ang mga upuan.
Nakamot ni Klyx ang tungki ng ilong nya. "Baba." Maautoridad na utos nya pero hindi sumunod ang dalaga. "Baba sabe. Gusto mong makulong?"
Nanlaki ang mata ni Amethyst. "Ang ganda ganda talaga rito ano?! Kanina pa talaga ako nananabik na makapunta rito sadyang ang bagal mo lang kumilos! Hehe! Tara pasok na tayo sa loob, mahal na prinsipe!" Agad na nagbago ang mood nito at mabilis na bumaba sa sasakyan.
Napangiti si Klyx at agad naman na napasimangot si Amethyst habang nakatingin sa SG Mall na nasa harap nya.
"Tara na."
"T-teka! Papasok tayo dyan?"
"Malamang."
"Eh?! Ayoko! Ayokong pumasok dyan kapag ikaw ang kasama ko!"
"Wow." Hindi makapaniwalang tiningnan nya ito sa mata. "Anak ka nga naman ng nanay mo.. ikaw pa ang nalugi?"
"HINDI! HINDI!" Paulit-ulit na umiling si Amethyst at hinila ang prinsipe sa gilid para hindi sila mahalata. Nagpapasalamat sya dahil wala itong kasamang kawal ngayon kundi kanina pa sya kulong. "Parekoy naman.. kahit parekoy ang tawag ko sayo, hindi ko pa rin naman nakakalimutan na prinsipe ka!" Tinuro ni Amethyst ng suot nito. "Hindi mo ba tatakpan ang mukha mo? Maraming makakakita. Papasok ako mamaya sa loob nang kasama ka tapos--"
"Lalaiitin ka nila?" Humalukipkip si Klyx sa kanya at sumandal sa kanyang kotse bago mabilis na tinaasan ng isang kilay ang kausap. "Sige nga. Iniuutos kong magsabi ka ng totoo, nabubully ka na naman ba?" Interesadong tanong ni Klyx dahil kitang-kita talaga sa mata ng dalaga ang takot.
Kaya ayaw nyang ireveal sa kanya ang pagkatao nya rito dahil ayaw nyang mawala ang dati nitong pakikitungo sa kanya.
"Wala ah!" Mabilis na tanggi ni Amethyst dahil wala naman na talaga. Pagkatapos ng tatlong babaeng nambully sa kanya ay wala ng sumunod. Kumalat kasi sa buong paaralan ang ginawa sa kanila ng prinsesa at lahat ay natakot kaya wala nang nagtangka. "Ang sa akin lang naman parekoy, wala akong pera. B-baka kasi mamaya hanapan ako ng mga gwardya dyan ng pera tapos wala akong mailabas!" Takot na takot na sinilip ni Amethyst ang mga nagbabantay sa mall. "Tingnan mo! Dami pa naman nila!"
Napairap si Klyx. "Sagot nga kasi kita. Kulit." Umayos sya ng tayo.
"Weh?! Nagtanong ba ako sayo?!" Gulat na gulat na tanong ni Amethyst.

BINABASA MO ANG
Game of Love
FanfictionElite Series # 2 (Salvador-Ashton) "Love is a game, are you willing to play?" - Klyx Daemiel Ashton