19: The Love Talk

536 19 3
                                        




Klyx's POV






Mabilis na na-settle yung meeting na pinatawag ko pagsapit ng lunes. Hindi naman iyon naging mabigat dahil inayos lang namin yung naging plano para sa welcome visit ng hari't reyna sa miyerkules.








Walang klase ngayong araw pero may pasok. Nasa loob ako ng HQ habang nanonood sa malaking computer ng nangyayari sa field ng Ashton High. Iniensayo na kasi namin ang mga estudyante para sa gagawin nila sa miyerkules. Lahat ng guro ay naroroon pati na rin ang Primes maliban sa akin dahil ako ang mag-aasikaso ng reports na ipapasa ko sa media.








Naging maayos ang pangyayari sa ibaba at mukhang hindi na nila kailangan pa ng tulong ko para patahimikin ang mga estudyante dahil kanila Dein palang takot na sila, lalo pa kaya kay Kate o 'di kaya sa akin.








Pinatay ko ang computer at tinapos ang reports. Pagkatapos ay tinawagan ko si Tito Drex na nasa office nya dahil tamad din ang isang yon para tumulong sa nangyayari sa ibaba. "Hello, tito." I stood up and walk my way to the window while holding my phone.








(Ikaw pala pamangkin ko! Namiss mo ba ako?) Sabi sa akin ni daddy naging kalaban daw nila si Tito Drex dati. Ninakawan pa nga raw nito ng halik ang mom ko noon. Isa si Tito Drex sa may pinakamalaking pinagbago sa kanila.








"I just finished our reports. Should I hand over it to you?" Hinanap ng mata ko sina Kate sa field pero sa sobrang dami ng tao ay mukhang imposible ko silang mahanap.








(Weh? Sinipag ka yata ngayon?) Narinig ko syang tumawa. (Bukas na lang pamangkin! Kakaalis ko lang eh. Papunta akong SGO.) Binulong pa ni tito yung bandang dulo na para bang nasa isang crowded place sya para gawin yon. Bawal kasing may makaalam sa lugar na yon. (Pinapatawag ako ng gago mong tatay. HAHAHA!)








Natawa ako sa sinabi ni tito. "Okay then, if you said so. Bye. Hindi ka sana mapatay ni dad." Binaba ko kaagad ang tawag at tinago ang phone sa bulsa ng coat na suot ko.








Nakita ko na si Dein. Lumapit sya kay Tiger. Remember her? Yung kaibigan ni Amethyst. Mukhang alam na rin ng mga estudyante ang tungkol sa kanila kasi kanina marami akong narinig na naaawa raw sila kay Tiger dahil kay Dein pa sya napunta. But seeing her right now? Hindi ko ma-feel na madali syang mahuhulog kay Dein.








Interesting huh? Let the game begins.




***





Amethyst's POV






Kita mo nga naman si tigre oh. Ang bangis talaga ng mga kauri nya! Si Dein pala yung sinasabi nyang boyfriend nya. Awiieeee. Kaya pala sabi nya sa akin nung una mapapasabak daw sya sa paglalaro ng Game of Love. Ang tindi ba naman kasi nang sinagot nya eh.








Dahil nga nagsisimula na syang maglaro, ayun, senti ang peg ko mga kaparekoy. Libreng libre ang ate nyo habang ako hanggang mansanas lang ni Nanay Miring na masarap. Kakatapos lang ng ensayo namin para sa welcome visit daw para sa hari at reyna sa miyerkules. Nasa ilalim ulit ako ng puno kung saan kami tumambay dati ni tigre. Ang kaibahan nga lang ngayon, ako na lang mag-isa kasi kasama ni tigre si Dein.








Balak pa nga nya akong isama kaso tumanggi ako. Jusko! Ayokong makasira sa mga sandali nila ano.








Sumandal ako sa puno at kumain ng mansanas. Pinapanood ko lang yung mga taong dumadaan sa field. Mapapangiti ka na lang talaga dahil sa suot nilang uniporme. Napakabongga kasi talaga non.








Game of LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon