Third Person's POV
Tumawa ng malakas si Amethyst with matching palakpak pa. "Weh? Haha! Ikaw? Prinsipe? Wag ako uy!" Ipinunas nya ang kanyang kamay sa suot nyang leggings at humarap sa mga tao na nakapalibot sa kanila. "Mga kababayan! Haha! Nagkakamali ata kayo! Hindi sya ang prinsipe. Utusan sya sa palasyo. Siguro napagkamalan nyo syang prinsipe dahil gwapo sya 'no? Naku! Hahaha! Hindi sya ang prinsipe! Siguro ganon lang talaga kasi utusan sya eh. Alam nyo na? Kapag palagi nyong nakikita ang isang tao at nakakasama parang nagiging magkamukha na kayo. Siguro ganon lang yung sa kanya! Hindi ba parekoy?" Nakangiting sigaw ni Amethyst at humarap kay Klyx na walang pakealam lang na nanonood sa katangahan na ginagawa nya.
Lumaganap ang bulungan ng mga tao. Naging maingay ang paligid at animo'y natatakot dahil sa ginawa ng dalagang kakilala nila. Yung iba naman ay pinagtatawanan lang sya.
"Parekoy! Huy, Ano? Walang masabi? Totoo-- AAAH!" Napaupo sa gulat si Amethyst nang tutukan sya ng naglalakihang baril ng apat na kawal na kasama ni Klyx.
Tumaas lang ang isang kilay ni Klyx at nakahalukipkip na pinanonood ang nangyayari sa kanya.
"T-t-teka! B-bakit may baril?!" Natatakot na turo nya sa mga baril. Nang akmang lalapitan na sya ng mga ito ay agad syang tumayo at pinigilan ang apat na kawal. "Sandali lang po ha? Hehe. Patalastas muna! Lakas maka-cardo ng baril nyo po eh!" Humarap si Amethyst sa prinsipe na para bang wala lang sa kanya ang mga baril na nakatutok sa kanyang buong katawan. "May tanong lang ako sayo, parekoy! Hindi ba gun yung english nito? Tama ako diba? Dibaaa? Hahaha! Hanep, bato! Achievement!" Tuwang-tuwa pang papuri nya sa sarili. Hindi alintana ang mapanghusgang mga mata na nanonood sa kanyang paligid.
May humila sa kanyang damit. "Bobita ka talaga, Amethyst! Umayos kang boba ka, prinsipe ang kaharap mo!" Pangaral sa kanya ni Aling Aira na nakatayo sa likod nya. Palihim sya nitong kinurot. "Bobo ka talaga! Wala kang kwenta! Pinapahamak mo ang bayan! Bobo!" Gigil na gigil na bulong nito, iniiwasang marinig sya ng prinsipe.
Ngunit sa katahimikan ng paligid, dahil lahat ay tutok sa mangyayari, imposibleng hindi iyon narinig ng prinsipe.
Lalong tumaas ang isa nitong kilay at napatikhim pa sya. Napatingin sa kanya ang lahat ng tao maging ang mag-ina na palihim na inaapi si Amethyst sa salita at pananakit.
Takot ang dumaloy sa mga mata ng nanonood nang makita nilang sumeryoso ang prinsipe.
"Aling Aira! Huwag po kayong mag-alala! Ako pong bahala rito. Hindi sya ang prinsipe. Papatunayan ko iyan sa inyo!" Desididong sabi ni Amethyst bago humarap kay Klyx at sa apat na kawal na may hawak ng baril na nakatutok pa rin sa kanya hanggang ngayon. Hanep namang utusan ni parekoy. May pakawal pa! "Parek--"
"WALA KANG KARAPATANG TAWAGIN NG GANYAN ANG PRINSIPE!" Nagkasa ng baril ang apat na kawal at nilapit ng todo ang bunganga ng baril kay Amethyst dahilan para matakot sya para sa buhay nya. "Wala kang galang!"
Bago pa nila maiputok ang mga baril sa kaawa-awang babae ay pinigilan na sila ng prinsipe. "Ibaba nyo yan. Iniuutos ko." Tugon ni Klyx bago lumapit kay Amethyst. Nagsitabihan naman agad ang apat na kawal at puwesto sa gilid.
Nakahalukipkip pa rin si Klyx at seryosong nakatingin na sa dalaga. Habang ang isa naman ay hindi pa rin nakakarecover sa gulat at takot sa ginawa ng apat na kawal sa kanya.
BINABASA MO ANG
Game of Love
FanfictionElite Series # 2 (Salvador-Ashton) "Love is a game, are you willing to play?" - Klyx Daemiel Ashton
