Klyx's POV
Malalim ang iniisip ko pagkabalik ko sa palasyo pagkatapos kong ihatid si Amethyst. Si Tiger naman ay hinatid na rin ni Dein nang matapos ang party. Hinatid ng reyna at hari ang mga panauhin namin sa Hearthstone para doon muna sila tumuloy hangga't hindi pa sila nakakauwi sa Pilipinas.
Nagtataka ako. Buong byahe ang tahimik lang ni Amethyst. Hindi ako sanay kasi hindi naman sya ganoon. She used to call me 'parekoy' and such pero hindi nya ginawa kanina. And that bothers me.
Seryoso ba sya sa naging tanong nya sa akin kanina? I didn't take it seriously at napansin nya naman iyon kaya nag-aya na syang umuwi. Why, Amethyst? Why?
Bumuntong-hininga ako. Sa unang pagkakataon, nahirapan akong mag-isip. Kakatwang hindi ko mahulaan ang kilos nya at maging ang pag-iintindi ay hindi ko magawa.
Papasok na sana ako sa kwarto ko nang mamataan ko si Keylux na papunta sa kwarto nila dad at hawak hawak nya pa ang regalo ni Amethyst sa kanya. Minahal na nya agad yon, pero yung galing kay Kate na ate nya ay madalas nyang tinatapon. I chuckled at that thought. "Saan ka pupunta?"
Napahinto sa balak na pagpasok si Keylux sa kwarto nila dad at napatingin sa gawi ko. Nakasuot na sya ng damit na pantulog at mukhang kagagaling nya lang sa pagligo dahil sa basa nyang buhok. "Dito, kuya. Hindi ba obvious?" Inosente nyang sagot habang nakahawak pa sya sa doorknob.
I laughed at his innocence. This kid. "Kita ko nga. Akala ko naliligaw ka eh." Lumapit ako sa kanya at bahagyang sinilip ang kwarto nya na nasa tapat lang ng kwarto nila mom. "Matutulog ka na ba?"
Binitawan nya ang pagkakahawak sa doorknob at niyakap ang hawak nyang garapon. "Yes, kuya. I'm so tired and sleepy." Humikab sya.
Ginulo ko ang buhok nya na magulo na talaga. "Happy birthday again, little prince." Nakangisi kong bati.
Agad na kuminang ang mga mata nya. "I'm happy, kuya. Very.. happy." Dahan-dahan nya iyong sinabi at mas lalo iyong pinagtibay ng mga mata nyang kumikislap kahit hindi sya ngumingiti. "And I want to thank all of you," Sa isang iglap ay pawang nakalimutan nyang pagod sya. Lumiwanag muli ang mukha nya dahilan upang mas lalong lumitaw ang kagwapuhan ni Keylux. "Especially you."
Nagitla ako. "Why me?" Nakangisi kong tanong. Gustong magmayabang pero may kababaang loob. "It should be the queen." Mom prepared everything here. Oo, tumulong kaming lahat. Pero si mom talaga ang umasikaso simula sa una hanggang huli.
Kumunot ang noo ko nang hindi sya magsalita, bagkus bumaba ang tingin nya sa hawak na garapon. "Because you were the one who brought Ate Amethyst here." Inosente nyang tugon. Nangingiti ngunit pilit na itinatago.
Hindi na ako nagsalita, ngumiti na lang ako sa kanya at marahan syang niyakap.
Alam ko ang kahulugan nung sinabi ni Keylux. Hilig nya ang magsabi ng mga salita na hindi kompleto ang diwa. Kinakailangan na mag-isip kang talaga.
"Saan ka matutulog? Sa kwarto ba nila mom?" Tumango sya. "Bakit ayaw mo sa kwarto mo? Is there a problem?" Umiling sya kaya sinilip ko ang kwarto nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/132526802-288-k549090.jpg)
BINABASA MO ANG
Game of Love
Hayran KurguElite Series # 2 (Salvador-Ashton) "Love is a game, are you willing to play?" - Klyx Daemiel Ashton