Amethyst's POV
Isinara ko ang pinto pagkapasok ko sa loob ng bahay. "Ano? Nakaalis na sya?" Agad na sumalubong sa akin si tigre.
Ngumiti ako. "Oo. Pinagkaguluhan nga lang muna." Kamot ang ulong tumingin ako sa orasan. Ala una na ng hapon. Ngayon lang nakaalis si parekoy samantalang kaninang alas onse nya pa ako hinatid dito. Gwapo kasi masyado.
Sinundan ko si tigre papuntang kusina. "Binalik ko na nga pala yung gown kanila Tita Clyre. Nagpasama ako kaninang umaga kay Dein." Balita ni tigre. "Ikaw?"
Umupo ako sa upuan at nagpangalumbaba. "Iniwan ko sa condo ni parekoy. Ang sabi nya sya na lang daw ang bahala ro'n. Tinawagan ko na lang si Tita Clyre gamit yung telepono nya para magpasalamat."
"Kumain ka na?"
Tumango ako. "Kumain na kami ni parekoy bago umuwi rito." Sosyal nga ng isang yun eh. Nais pang ipasara yung buong restaurant para lang sa aming dalawa. Hindi ako pumayag, yun nga lang pinagkaguluhan sya.
"Buti naman. Walang ulam eh." Tumawa si tigre bago umupo sa harapan ko. Kita mo 'to, magtatanong tapos wala naman palang pagkain?! "Kamusta ang quality time nyo? Sulit ba?" Binigyan nya ako ng nang-aasar na tingin.
"Ayos naman.. hehe." Inalala ko yung nangyari kagabi tsaka kaninang umaga. Nagkwentuhan lang naman kami at nag-asaran. Nilibot nya lang ako sa condo nya tapos puro kain lang ginawa ko hahahaha. Ay! Nanood din pala kami kagabi ng pelikula. 'Di ko nga lang naintindihan yung kwento kasi english. "Ang galing palang magluto n'on?" Bigla ay naibulalas ko. 'Di kasi ako makamove on talaga.
"Ay oo, nasabi sa akin ni Dein na lahat ng maharlika ay magagaling magluto kasi kasama yun sa training nila." Teka, bat parang mas maraming alam pa 'tong hayop na 'to kesa sa akin?
Siningkitan ko ng mata si tigre.
"Anong tingin yan?"
Mas lalong lumiit ang mata ko at umayos ng upo. "Ayos na ba kayo?" Nakita ko syang natigilan kaya lihim akong natawa sa aking isip.
"N-nino?" Uyyy, nauutal ang hayooop. Hahahaha.
"Ni Dein malamang. Alangan namang ni parekoy eh akin yun." Hehe tumataas na naman yung self-confidence ko dahil sa kanya.
Bigla ay napayuko sya. Kinalikot nya yung mga daliri nya sa ilalim ng mesa. "Ayos naman kami e." Bumuntong-hininga sya nang malalim kaya alam kong may mali.
"Kwento mo sa tigre." Siniringan ko sya. "Masyadong matalino 'tong kaharap mo para paniwalaan ka." Tama yan bato, matalino ka. Tama lang yan. Hindi iyan kasinungalingan.
"Saan?" Bigla syang naglikot sa harapan ko. "May kasama ka pala?" Talagang tumayo pa sya at umarte na parang may hinahanap.
Kumurap ako. "Sinong hinahanap mo?"
Inosente nya akong tiningnan. "Yung sinasabi mong matalino. Hindi mo naman sinabi na may kasama ka pala."
BINABASA MO ANG
Game of Love
FanficElite Series # 2 (Salvador-Ashton) "Love is a game, are you willing to play?" - Klyx Daemiel Ashton